THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Saturday, December 26, 2009

after Christmas..


wow, so it's Christmas. It was. for me ganun yun. at yun pa rin. tulad ng dati, kumain at natulog lang din ulit ako. walang nangyari. kung may inaasahan man akong mangyari, pwes, inaasahan ko ring di ko makukuha yun. walang bago, walang luma. ganun pa rin. kung ano ako noon, ganun pa rin, maliban nalang sa ibang pagbabagong normal sa isang tao. I guess normal ako. New year na. malapit nanamang mag-ingay ang mundong akala mong nagsasaya talaga. ang di nanaman natin alam, nagkukunwari nanaman tayong masaya. kasi, ganito, kasi ganun. ganun talaga. kelangan ganun. haist, sa dami ng nangyari sa pinas, di nakakapagtakang maisip ko ang mga bagay na to. feeling ko last last month, di na makakapag-saya ang maynila dahil kay ondoy. tapos nadagdagan pa ng ibang lugar na akala kong malungkot dahil kay pepeng, at heto pa, dahil kay Mt. Mayon. hanep, and I guess, the worst ay yung mga sunod sunod na sunog, maguindanao crime, and paghina ng ratings ni noynoy. hahaha... full force ang nature, human's mistake, and crime sa pag-guho ng bansa. akala ko talaga walang magandang mangyayari sa pinas this Christmas, well, tama ako. ang pagkakamali ko lang, dahil pinoy tayo, di ko naisip na kahit sandamakmak at bunto buntong problema at calamidad ang ibigay mo sa lahing pinoy, tatawa at tatawa yan kung may nakakatawa, ngingiti at ngingiti yan pag may nakasalubong na artista, magdidiwang yan pag may pera, kahit pa walang bahay yan, walang pamilya, o walang kamay at paa. yan ang pinoy. ewan ko lang sa ibang bansa ah. pero sabi nila sa pinoy lang daw makikita ang ganung pag-uugali e. hanep talaga. LUFET!.. hehe... 

Pinoy ako. proud akong maging pinoy dahil hindi ako perpekto at alam ko yun, tanggap ko yun at ipinagmamalaki ko yun. Pinoy ako. Di ko sinasabing pinoy ako dahil sikat si charisse, si pacquiao, o si penaflorida. hindi yun. pinoy ako at proud ako dahil may sarili akong kakayahan at kaya kong higitan ang sino man. pinoy e........ kaya tulad ng dati, eto nanaman ako at inaantok na.. Good Night! ^^


0 comments: