Sa di inaasahang pagkakataon, di nanaman ako makatulog. Kaya eto, salamat na rin, at nakapag-blog ako.
“kapag umalis ang isang tao sa buhay mo, at di na sya bumalik, ibig sabihin, hindi sya para sa’yo. Pero pag bumalik sya, kailangan mo syang mahalin… ng panghabambuhay.”
Totoo kaya?.. napanood ko lang yan sa MMK, natuwa ako sa sinabi ng bida, natuwa ako sa pananaw nya. Siguro nga, kung para sa’yo, makukuha mo, gusto mo man o ayaw mo, maganda man o hindi, makukuha mo ang nararapat na sa’yo. Kaya siguro di na sya bumalik sa buhay ko, di dahil di sya para saken, kundi para sya sa iba. Para sila sa isa’t-isa. Pero siguro, just in case, sakali mang bumalik sya, kung sakali mang magbago ang tadhana at ako ang iguhit nito sa puso nya , Kahit paulit-ulit pa syang umalis, Kahit ilang beses ko pang maranasan ang hirap at sakit ng pamamaalam, Kahit higit pa sa bilang ng itatagal ko sa mundo ang panahon na kelangan kong maghintay, Kahit imposible, o Kahit kapalit ang lahat ng sayang mararanasan ko sa piling ng iba, mamahalin ko sya ng higit pa sa buhay ko. o kapalit man ang buhay ko. medyo OA, pero sa tao atang sobra magmahal o tinamaan ng ganitong klaseng pag-ibig (mauunawaan ako ng nakakaranas nito ngayon) kulang pa siguro ang mga sinabi ko, kulang pa para mapatunayan kong mahal ko sya at nagmamahal ako. sa una at huling pagkakataon. Sayang.
Sa ngayon, panghahawakan ko muna ang pananaw na ‘to, susubukan kong maniwala sa bisa ng pangalawang pagkakataon, hindi dahil umaasa akong babalik sya sa buhay ko, kundi dahil alam kong anuman ang itakda ng tadhana para saming dalawa, magkasama man kami sa huli o hindi na talaga, alam kong magiging masaya kaming dalawa. Sa pangalawang pagkakataon na ibigay sa amin.susubukan kong alamin ang di ko kayang alamin, susubukan kong harapin ang kinatatakutan ko, ang maiwan, mag-isa. Nanaman. J aalisin ko muna sa ngayon ang pagaalinlangan, ang kaba na baka mabigo ako. kung sabagay, sa kabilang banda, lagi kong nasasabi sa sarili ko, paano ko malalaman, kung di ko susubukan? Db? Solomot.
0 comments:
Post a Comment