THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Wednesday, June 1, 2011

DEFINITION

Definition

Tara, gawa tayo ng definition sa iba’t ibang salitang naging mahalagang parte ng buhay natin mula noon, and even up until now J yung iba.

CANDY- reward. Isang masarap na reward ng batang wala naming nagawa at napatunayan sa buhay.
CRUSH- lahat ng cute. Matalino. Mayaman. Tahimik. Mabait. Teacher’s pet. O yung tipong mas mataas ang antas ng pagkatao kesa sayo kahit magka-height lang naman kayo. Sya yung popular guy ng room, o madalas pag choosy ka, sya yung crush ng buong bayan sa school at tyak na mananalo sa school election kahit walang silbi. Pwedee rin yung madalang mo makausap kasi anak yun ng mayor. Kaya sya nalang yung srush mo.
TEN FINGERS- dapat 8 lang talaga. yan ang mahalagang parte ng katawan ko na isang malaking bahagi ng elementary life ko na sumalba saken sa subject na math. Kung magaling ka, at katulad kita (na di hilig ang math pero nakakaperpek paminsan dahil nga dito at konting chamba), mahuhulaan mo kung saan ko ginagamit yan. ^_^ 8x7?
MULTIPLE CHOICE- puros A lang ang sagot kahit sa UPCAT makakapasa ka :D basta wag lang right minus wrong. Hehehe.
PRINCIPALS OFFICE- “uy kyeon, pinapatawag ka sa principals office” anong pakiramdam noon kapag narinig mo yan sa classmate mo? Tapos ang lakas pa minsan ng boses nya na parang isang turmoil, na parang babagyo yung tono, makulimlim bigla na nakakatakot tapos magtitinginan sayo yung mga classmates mo, and then in a very annoying and husky voice nilang babanggitin ang mga katagang “halaaaaa……. Lagot ka………” with matching turo-turo-galaw-wave-wave ng forfinger nila. Di ba nakakatakot naman talaga noon yan? Tapos wala ka pang idea kung bakit ka pinapatawag ng principal mo? Natulog ka lang naman sa klase maghapon? Parang gusto ko nga sumpain ang mga ganung pangyayaring yun noon e.
BAON- life. Pag stujante ka, ang baon ang buhay mo, ang inspirasyon mo, ang dahilan mo kung bakit ka lumalaban sa ulos ng buhay, aminin na naten, hindi masayang magaral kung walang baon, di Masaya, hindi talaga.
FIRST LOVE- nung grade 4 ako, ang first love ko yung crush ko, di ka kasi “in” kung wala kang crush, di ka din daw normal. Kaya minsan kahit wala, kelangan meron dahil sasabihin ng mga classmate mo sayo baliw ka. pero marerealize mo na di mo na pala sya gusto maging love kasi love na sya nung classmate mo, tapos malalaman mo first love din sya nun, panget, sukob, wala ka nang originality. Di na maganda isulat yung name nya sa slambuk. “WHO IS YOUR CRUSH?” duh? hahaba naman hair nya.
FIRST LOVE  (part 2)- sya yung minahal mo pero di mo nasabing mahal mo sya for some stupid reason, yan yung mas angkop na meaning para saken ng salitang yan. First love, kaya never dies, kasi it never happened. Kadalasan yan ang komukompleto sa pagkatao ng mg emo, yung nagmamahal ka pero di ikaw yung mahal nya, o kaya wala lang, trip lang siguro talaga naten maghanap ng taong mamahalin naten na di tayo yung piniling mahalin kasi naghahanap din sila ng taong di sila kayang mahalin.well….. Challenging ika nga.
PET- sino bang nilalang ang never pa nagkaroon ng alaga? Hayop man yan, laruan, imaginary pet, halaman, tao, bagay, basta masabing pet naten ok na. yan yung para sken, kalahati ng kung ano at sino ako. mahal ko sya na parang ako kasi di ko mahal ang sarili ko, ah basta ang gulo, parang ganun. Madami na kong naging pet, at lahat yun namatay, iniyakan at naipalibing ko na, pusa, aso, manok, isda, ibon, gagamba, gansa, pabo, itik, gamo gamo, alitaptap, tutubi, bubuyog, rose, gumamela, sun flower, etc., lahat yan nakapagpasaya sken, and not to mention kung ilang beses ko na din isinumpa na di na ko magaalaga ng hayop nu. Sobrang sakit kasi mamatayan. Hay… at nakakatulong talaga makawala ng stress ang alagang hayop, lalo na ang pusa, tulad ni kiwi. Pero tulad na magandang epekto nito, ganun din kabigat ang sakit na epekto ng pagkawala nila, pantay, balance, kaya kelangan matuto tayong tumanggap. Pero madalas, kahit gaano tayo kahanda, ganun pa din yung sakit na mararamdaman mo e, ewan ko ba.

--di ko naman tapos ulit hayy-

0 comments: