Wala kong magawa at nagawa sa araw na ‘to. In short, wala. dapat kasi magsstart na ko sa OJT ko, unfortunately, dahil sa iilang mga kadahilanan, next week pa daw ako makakapagsimula. Nakakainis, pero ok lang. nakakatamad din naman kasi mag-OJT sa sobrang layo ng Marikina at take note, walang allowance. But that’s another issue, wala naman akong reklamo dun. Although, kayang kaya ko naman kumuha o maghanap ng pago-ojt-han na may bayad, ok na rin ako (weh?) sa pago-ojt-han ko. Si mama kasi e! haha…….. speaking of…… my mom. My mader, my Ina, my nanay, my mudra. Pero ang tawag ko sa kanya, mama, o pag pinapaikli ko, ‘mi’…. yan, pag may iuutos este pag may favor ako sa kanya. at dahil wala naman akong ma-post, at dahil na rin sa napapansin kong netong mga nakaraang araw e natututo na si mama sa mga bagay na karaniwang kaming mga kabataan(oo bata pa ko sa aspeto ng edad) lang ang nakakaalam, at napapansin ko ring napapadalas na rin and pang-ookray nya saken, e bibigyan ko sya ngayon ng matinding recognition dito sa blog-tsung ko. Pero di ko idedescribe si mama dito, magkaka-uban tayo nyan pag ganun. Hehehe. Kaya ko napaisip ‘i-subject’ sya ngayon, kasi naalala ko lang yung iilang mga di ko malilimutang conversation namin na kung di man nakakatayong-balahibo nakakatawa, e mapapa-tumbling ka sa gulat, kasi naman, 60 na si mama, marunong pa bumanat. Tulad neto,
Habang magkatabi kaming nanonood ng tv-patrol…
Ako: ma, ambaho mo na (trip ko lang sya biruin)….
Ma: wag kang magsalita……… (sabay tawa)….
Garbe….. muntik nya na kong trashtokin di ba?....... marunong pala sya magfliptop. Hehe.
Meron pa……..
Minsan, galing kami SM, dahil balak ni mama bumili ng bag, dumadaan kami sa mga bag-store, Kahit saan lang. tapos napadaan kami sa isang store, jansport ata mga brand dun. Tapos sa pagiikot ni mama, may nagustuhan syang shoulder bag, syempre tingin sa price after, tapos bigla nya kong tinawag, sabi nya,
Mama: lika nga dito, tingnan mo tong presyo, di ko Makita……
(pagkatingin ko, my gawd, 8k dung, P8,000.00……………)
Ako: ma, kaloka, 8thou….
Mama: patingin nga *tingin ng pagkalapit-lapit*.. sus, 800 lang e!
Ako: naku naman, 8 thousand nga…… believe me *sabay iniwan ko sya*..
(tapos tinawag nya yung nagbabantay)
Mama: tingnan nyo nga ho to hijo, magkano ba?
Kuyang pogi: ahhhh…. 8 thousand pesos po mam blah blah blah……..
Mama: ha?? *napataas pitch boy*….. 8 thousand talaga?.... san ba gawa yan? Sa balat ng Diyos?
Kuyang pogi: *tameme*
Haha, loko…… pero yung mga bag ng rich celebreties sa TV di nya pansin….. wala lang sa kanya Kahit half million na yung price….. sabi nya di naman daw maganda…. LOL……. Nakakaawa ako, gusto ko syang iwanan nun… hehe……..
At eto pa,
Galing akong comp.shop, at dahil karaniwan namang nasa bahay lang ako, e (secret lang natin to ah) di ako naliligo……. Pag sa bahay lang naman ako maghapon…. Tsaka pag tinatamad talaga ko. E tinamad ako nung araw na yun…….. kaya kahit galing akong shop e ok lang….. pagdating ko sa bahay…..
Mama: hoy, bata ka, buti pa yang isda at pusa mo laging naliligo!
Maligo ka nga!! Wag kang tatabi-tabi sken mamaya!
…. Ampota, ISDA ang standard tsong!! Tumbling!
At eto malupit…….. araw ng holiday. Before that day, niyaya ko si mama mag-SM, bonding lang, di kasi namin madalas gawin sa labas ang pag-unwind e. e swerte, may pera ata si mamush, pumayag….. edi ako naman, cancel lahat ng meeting, ready-ready na….. tapos kinabukasan, ang aga ko nagising, excited e…. pagkagising ko, aba, wala si mama….. naghintay ako.. mga lunch na, tsaka sya dumating. Badtrip na badtrip ako. si mader, madaming dalang groceries galing sa palengke. Naaamoy kong di na kami matutuloy…..
Ako: ma! Ano yan? Kala ko mage-esem tayo?
Mama: ay, wag nalang. Bilhan nalang kita pernsFries?………
Shoot!!! Lufet no?... ang supposedly whole day bonding namin, PERNSFRIES lang ang kapalit. Tsong FRIES! FRIES!,, di pa Jollibee o mcdo yan, jan lang yan sa tabi-tabi…… hahahahaha tumbling ulit…….
Ako: ano ba yan! Ok na kahapon e. kala ko tuloy na tayo…
Mama: ayaw mo?
Ako: sige na nga…… ^_^
Babaw ko nu?..... tulog tayo.. haha…..
And lastly, eto pa…… kani-kanina lang…………..
Kakagising ko lang at nakikipag-laro ako kay kiwi(alagang pusa namin) habang si mama e narinig kong kumanta out of nowhere…
Mama: “may pansit, may pansit sa ilalim ng tulay….. lalalalalalala”
Ako: ma, pulis…….
Mama: ah, “may pansit may pansit…. *tigil for 3 seconds* … ang pulis”
Ako: ma, korni. :/
mama: *tuloy sa soundtrip*…
buti nalang walang ibang nakakarinig sa kanya… hay…… bat nya kaya kinanta yun? Wew.
iilan lang yan sa mga naaalala ko e. yung iba mas malupit pa talaga dyan, yung tipong overtime ka sa kakatawa at kakaisip kung may iko-korni pa ba yun……. Pero syempre, di mo naman maaapreciate yan ng kasintindi ng appreciation ko kasi di mo naman sya mama. Haha……. Basta, si mama, da best yan, Kahit lagi kaming nagaaway. Kahit anong mangyari, she’s the best for me. Galit man ako bukas o mamaya, di ko yan babawiin. Sabi ko nga, “my mom?... she doesn’t know everything, but she does everything for us” ^_^ love you ma!
0 comments:
Post a Comment