THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Wednesday, November 17, 2010

PUP-0ut

Naalala ko lang ang isang post ko ( sa friendster pa to) na matagal ng nabaon sa limot………. About ito sa mga aktibista(taga-PUP) na nanira at nanunog ng mga upuan at ilang sirang kagamitan ng eskwelahan upang huwag ituloy ng admin ang pagpapatupad ng tuition fee increase………… sikat kasi ang PUP nun. Parang mga leon na nakawala sa hawla… ang drama pa…. kaya sa FB, naging tampulan ito ng debate, at isa ako sa mga nakipag-debate. Pero unfortunately, di ko ito nagawang mai-post dun, kaya sa friendster ko lang itinago…..  kaya ngayon, re-post nalang……
“Wow ah! Nagsunog at nanira kayo ng gamit ng eskwelahan, what do you expect from us(contrast)? To just shut up??? That’s stupid. Except for the fact that we are Filipinos, we—as students- are atleast inclined to react to what’s happening around us, lalo na kung salungat yun sa alam nating tama, sa itinuro sating tama, at sa kinalakihan nating tama!... you couldn’t just say that you were left with no choice, that’s a poor excuse of a low-spirited, misguided and uneducated person then. Hindi ko alam kung anong pinaglalaban nyo, kung ang kapakanan ba talaga ng mga estudyante, o ang pride lang ng mga aktibistang di matanggap na maraming sumasalungat sa kanilang ginawa. Ang punto lang kasi sa side namin, parang sa pamilya yan e, hindi kasi sapat na intindihin lang ng mga magulang ang anak nila pag may ginawa itong mali, kadalasan at mas nakakabuti sa anak ang pagpapakita ng magulang natin ng di pagsang-ayon sa aksyon ng kanilang anak at kadalasan sa paraang galit para sa susunod, di na yun gagawin ng mga anak nila. Sa kalagayan kasi ng mga aktibista –o PUPians--, may tendency pa kasi na maulit ang mga nangyari kung patuloy nating kukumbinsihin ang isa’t isa na PWEDE na nilang gawin ang bagay na yun dahil MAGANDA naman ang intensyon… paulit-ulit, pabalik-balik… hanggang wala ng matira, hanggang grumabe nalang. Di kasi nadadaan sa pananakot yan e….. walang umunlad sa pananakot… walang magandang nadudulot yan, at sa pananaw ko, ang aksyong yun ng kapwa natin estudyante e pananakot… pananakot sa administrasyon na kapag nagtangka ulit silang gumawa ng mga bagay na AYAW ng mga aktibista (para nanaman sa kapakanan kuno ng mga estudyante) e walang pakundangan nanaman nilang gagawin ang mga ginawa nila noon. Ang masaklap pa nito, pano kung wala ng silang masisirang kagamitan, anong sunod?... buhay naman?... nagtatanong lang…….. sa parehong paraan ng pagtatanong nyo ng “anong bang ibang paraan?”……. hindi ko inaalis ang karapatang ipagtanggol nyo ang sarili nyo, ang paniniwala nyo o ang karapatan nyo bilang estudyante, pero ang ipagtanggol ang isang gawaing alam natin pareho na mali, sa palagay ko, wala na kayo sa katwiran, wala na hulma ng pagiging matinong estudyante yan. Isang malaking kalokohan…… and lastly, argument lang.. nagaral naman tayo ng accountancy, where both debit and credit must be balance, nagaral din naman tayo ng algebra, where both side must be equal, but then, how could it be possible that the intension is RIGHT while the action(as you have admitted) is WRONG for a reason that you were left with no choice?... it that logical?... if the intention is the measure for rendering actions true, then, where intention is sound, action is sound, and where it is corrupt then action is corrupt. as matthew prior said, “The end must justify the means.” Just because you were left with no damn choice doesn’t give you the right to do what is not justifiable and probably, illegal.

0 comments: