THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Monday, November 29, 2010

OJT days..

OJT days..

Nagsimula na last week OJT ko, sa wakas, after 45 years….. Tuesday na ko nagstart for some reason. Sa loob ng apat na araw, hay… apat na araw palang, dama ko na ang pagod at puyat. at katamaran syempre. Mahirap pala magtrabaho pag walang sweldo. Hayyy….. pero mas mahirap naman na di grumadweyt kaya ok na yun. Hehe.

Sa layo ng Marikina, Kahit sino siguro tatamarin (comm. QC to Marikina).. minsan pa traffic, minsan lalampas, minsan ang daming hinto ng driver, minsan pa ibababa ka ng napakalayo sa overpass, minsan nagagalit pa pag sinabi mong estudyante ka (may discount kasi), minsan … hay madaming minsan… speaking of minsan, may isang sitwasyon o nangyari sa isang jeep na hanggang ngayon di ko malimutan, amh, di ko alam kung mababaw lang ba ang luha ko o sadyang nakakaantig lang talaga ang nangyari sa jeep na yun. Araw na Friday, pauwi na ko, nag-undertime ako sa work dahil report namin sa class, mga 3pm palang nun. sakay naman ako sa jeep agad, tapos, along concepcion ata may sumakay na matanda, siguro if im not mistaken mga late 70’s na ang edad ni nanay, or siguro mas bata pa, pinatanda lang sya ng suot nyang damit at problema sa buhay (mukhang malaki ang problema nya sa tingin ko), tipong pagod, at di alam ang pupuntahan, nasa pinaka-unahan at pinaka-gilid sya ng jeep.. habang padami ng padami ang sumasakay, pasikip din ng pasikip sa loob, sa haba ng byahe, Kahit ata ano maiisip mo. Sa pagkakataong yung, napatitig ako sa matanda, tapos parang kinurot ang puso ko sa mga ideyang pumasok sa isip ko, sa kanya lang ako nakatingin, tapos, naisip ko si mama. Sa edad kasi ni mama, maaaring di sila nagkakalayo ng edad, naisip ko rin ang mga resemblance nila sa isat isa, mga bagay na di ko maintindihan.. napapaiyak na ko mga oras na yun, pag kasi si mama ang naiisip ko, di ko maiwasang mapaiyak, ganun kagrabe ang love ko for my mom. Naisip ko, kung si mama yun, di ko sya hahayaanng bumyahe ng mag-isa(pero madalas di ko talaga sya kasabay bumyahe, ironic nu?), naisip ko rin, sana balang araw, di na sasakay si mama sa jeep, sa isang magarang sasakyan na, ang mga matatanda kasi para saken, dapat di na pinagbbyahe, dapat nagpapahinga nglang, kung pwede pa nga, di na sila dapat naninirahan sa maynila, mausok, mabaho, magulo, masikip, walang nature, walang puno, walang malinis na hagin. Naawa ako bigla sa matanda, naisip ko, saan kaya ang pamilya nya? Bakit kaya magisa sya?. Hay… naluluha na ko, Pero syempre, alangan namang magdrama ako sa jeep, edi magmukha akong iniwanan ng jowa naman nun. Kaya todo iwas ako sa mga taong tingin ng tingin saken, at kunwari nagpupunas lang ng pawis. Mga ilang minuto din, nagawa kong alisin ang matanda sa isip ko, tumingin nalang ako sa mga kasabay naming jeep at mga tao. Pero nung makarating na kami sa gitna ng tulay ng san mateo, biglang nagsalita ang konduktor ng jeep, ‘ay nay naman, lampas na ho yun, dun pa sa may unahan’.. tapos nagsalita yung matanda na halos isang palad lang ang layo sa konduktor na nasa tabi ng driver, ‘hala hijo paano yan, ang init pa naman.wala na akong pera.’ Sumagot agad yung konduktor, ‘ayan ho o, lakarin nyo nalang, di ho kasi kayo nagsasabing di nyo pala alam ang bababaan nyo e’… tumayo ang matanda ng walang pagaalinlangan, wala sinabi, malungkot at halatang nadismaya sa ideyang lalakarin nya pabalik ang lugar na sana’y binabaan na nya kanina. Muli nanaman akong naawa sa nanay na yun, at nainis sa konduktor. Nabadtrip ako, bakit kasi ganun, bakit kelangan nya pang paglakarin yung matanda, dapat pasakayin nalang nya sa ibang sasakyan pabalik, konting awa at pakonswelo lang. pero naisip ko rin, sabagay, di nya rin naman kasalanan, trabaho yun tsaka marami pang pasaherong naghihintay at nagmamadali. Sa awa ko, parang gusto kong habulin yun mtanda o kaya, bigyan manlang ng payong. Kaso, wala akong dalang payong ng mga oras na yun e. sayang. Wala akong nagawa. Tulad ng driver at konduktor, wala akong kayang gawin. Kaya di ko rin sila masisisi. Hayyy……

0 comments: