Kakauwi lang namin. From SM again. Megamall naman ngayon. Pero di ko na ikkwento mga ginawa ko dun. The usual lang naman kasi. Ang ikkwento ko e ang naexperience ko paguwi. Na-feel to be specific. As usual, nag-bus lang kami, ala kami pan-taxi kasi inubos namin pera namin ni mama sa pagbili ng kung ano-ano……… pagbaba ko sa bus, ang dilim ng paligid, parang di yung karaniwang liwanang ng QC ang makikita mo…. Nakakapanibago(or it’s just me?)….. brownout ata…… pag-akyat ko sa overpass, madilim pa rin, pero ang pinagkaiba, may mga kumukuti-kutitap sa paligid. Ilaw. Ilaw ng mga kandila. Natakot ako, kasi ang dilim ng paligid tapos may kandila, naisip ko kaagad yung dad ng classmate ko na kamamatay lang last Friday……… baka mamaya katabi mo na, este katabi ko na. pero nang mejo naka-adjust na ang iris ng mata ko sa dilim at liwanag(iris nga ba? Correct me if im wrong), napansin ko ang mga tao, ang buhay sa overpass sa lugar namin. Tama, ang mga vendors at ang kanilang mga tinda na sinusuportahan lamang ng mga kandilang pilit lumalaban sa malakas na ihip ng hangin, na anumang oras e pwedeng mamatay at anomang oras e pwedeng pwede ka ring dumekwat ng mga paninda ng di nila napapansin.oo, Illegal vendors. Mga kaaway ng mmda (at friends na rin ng mga ‘protector’)… ang tawag ko sa kanila, bwisit ng tulay, pampasikip sa daan, mga dakilang hassle sa buhay ko. Lalo na syempre pag dumadaan ako dun. Minsan, sa bahay pa lang ako, at maiisip kong dadaan nanaman ako sa overpass na yun, parang gusto ko atang magkapakpak….. hay…. Pero ng mga oras na yun, iba ang naramdaman ko, biglang nagiba ang pananaw ko sa buhay, di naman……… buhay naman agad… pero parang ganun. Yung bad perception ko about them ang nagbago. Napalitan na ng awa, ng pakikiramay, at higit sa lahat, ng paghanga. Awa sa kalagayang pilit man nilang takasan, e di naman nila kayang iwasan. Ang buhay, illegal man sa mata ng publiko at gobyerno, ay ang tanging paraang alam nila upang itaguyod ang kani-kanilang pamilya. Awa na sa halip tulungan e hinuhusgahan. Awa na sa palagay ko’y di pa sapat na dahilan upang hayaan silang ipagpatuloy ang kanilang ikinabubuhay. At oo, pakikiramay, pakikiramay sa kahirapang kanilang kinasasadlakan, buhay na isinusuka ng maraming mayayamang nilalang, kahirapan. Isang salitang ayaw kong maging parte ng buhay ko, pero mundong alam kong tinatakasan ko rin. Kahirapang gaya ng mga tulad nila, ay isang bagay na pinagkukunan ko ng lakas at inspirasyon. Echos. Pero ttoo yan. Kahirapan na gusto kong isisi sa kung sino pero di ko alam kung kanino. Pakikiramay na sana, Kahit isang minuto ay maramdaman nating lahat, di lamang sa mga katulad nilang vendors, kundi sa mga katulad nilang pilit lumalaban sa marahas na mundong di ko alam kung sino ang namumuno. At ang huli, ang paghanga. Paghanga sa mga gaya nilang ano man ang mangyari, sumugod man si bayani e tuloy pa rin ang awit ng buhay…… Kahit 10, 20, 30, o 100 times pa silang magpabalik-balik sa pagtakbo, pagtago, pagpapahabol, paglaban, pagkubli, pakikiusap, pagkapa sa madilim na paligid, pagbuwis buhay at puhunan, minsan Kahit ng katarungan at pagkamakatao, o kung ano mang paraan ang kanilang pwedeng gawin, wag lang sila putulan ng ikinabubuhay e walang sawa nilang gagawin at ginagawa dahil sa kalam ng sikmura. Para-paraan…. Kahit kung minsan, tabla tabla lang, kasi pag naabutan sila ng mga mmda(maintenance ng protectors), e wasak wasak mga paninda nila, syempre sino mgababayad nun, silang mga vendors di ba. Hayyy…… naisip ko lang, may yumaman na ba sa tulay?.... hmm…. Meron siguro. Iilan. Pero yumaman ma’t sa hindi, nakakaawa man sila, humahanga man ako at nakikiramay sa buhay nila, ang tama ay tama, ang mali ay mali, ang batas ay batas. Dapat itong sundin sa ikaaayos ng Pilipinas. Pero sa bagay, may kasabihan tayo, ‘know the rules, and break some’… woooo!!!
Wednesday, November 17, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment