Friday, December 24, 2010
blogsarry..
Posted by .kyeon-klum at 4:41 AM 0 comments
my place..
Posted by .kyeon-klum at 4:40 AM 0 comments
sa di inaasahang pagkakataon..
Posted by .kyeon-klum at 4:39 AM 0 comments
Monday, November 29, 2010
text messages..
Posted by .kyeon-klum at 3:52 AM 0 comments
OJT days..
Nagsimula na last week OJT ko, sa wakas, after 45 years….. Tuesday na ko nagstart for some reason. Sa loob ng apat na araw, hay… apat na araw palang, dama ko na ang pagod at puyat. at katamaran syempre. Mahirap pala magtrabaho pag walang sweldo. Hayyy….. pero mas mahirap naman na di grumadweyt kaya ok na yun. Hehe.
Sa layo ng Marikina, Kahit sino siguro tatamarin (comm. QC to Marikina).. minsan pa traffic, minsan lalampas, minsan ang daming hinto ng driver, minsan pa ibababa ka ng napakalayo sa overpass, minsan nagagalit pa pag sinabi mong estudyante ka (may discount kasi), minsan … hay madaming minsan… speaking of minsan, may isang sitwasyon o nangyari sa isang jeep na hanggang ngayon di ko malimutan, amh, di ko alam kung mababaw lang ba ang luha ko o sadyang nakakaantig lang talaga ang nangyari sa jeep na yun. Araw na Friday, pauwi na ko, nag-undertime ako sa work dahil report namin sa class, mga 3pm palang nun. sakay naman ako sa jeep agad, tapos, along concepcion ata may sumakay na matanda, siguro if im not mistaken mga late 70’s na ang edad ni nanay, or siguro mas bata pa, pinatanda lang sya ng suot nyang damit at problema sa buhay (mukhang malaki ang problema nya sa tingin ko), tipong pagod, at di alam ang pupuntahan, nasa pinaka-unahan at pinaka-gilid sya ng jeep.. habang padami ng padami ang sumasakay, pasikip din ng pasikip sa loob, sa haba ng byahe, Kahit ata ano maiisip mo. Sa pagkakataong yung, napatitig ako sa matanda, tapos parang kinurot ang puso ko sa mga ideyang pumasok sa isip ko, sa kanya lang ako nakatingin, tapos, naisip ko si mama. Sa edad kasi ni mama, maaaring di sila nagkakalayo ng edad, naisip ko rin ang mga resemblance nila sa isat isa, mga bagay na di ko maintindihan.. napapaiyak na ko mga oras na yun, pag kasi si mama ang naiisip ko, di ko maiwasang mapaiyak, ganun kagrabe ang love ko for my mom. Naisip ko, kung si mama yun, di ko sya hahayaanng bumyahe ng mag-isa(pero madalas di ko talaga sya kasabay bumyahe, ironic nu?), naisip ko rin, sana balang araw, di na sasakay si mama sa jeep, sa isang magarang sasakyan na, ang mga matatanda kasi para saken, dapat di na pinagbbyahe, dapat nagpapahinga nglang, kung pwede pa nga, di na sila dapat naninirahan sa maynila, mausok, mabaho, magulo, masikip, walang nature, walang puno, walang malinis na hagin. Naawa ako bigla sa matanda, naisip ko, saan kaya ang pamilya nya? Bakit kaya magisa sya?. Hay… naluluha na ko, Pero syempre, alangan namang magdrama ako sa jeep, edi magmukha akong iniwanan ng jowa naman nun. Kaya todo iwas ako sa mga taong tingin ng tingin saken, at kunwari nagpupunas lang ng pawis. Mga ilang minuto din, nagawa kong alisin ang matanda sa isip ko, tumingin nalang ako sa mga kasabay naming jeep at mga tao. Pero nung makarating na kami sa gitna ng tulay ng san mateo, biglang nagsalita ang konduktor ng jeep, ‘ay nay naman, lampas na ho yun, dun pa sa may unahan’.. tapos nagsalita yung matanda na halos isang palad lang ang layo sa konduktor na nasa tabi ng driver, ‘hala hijo paano yan, ang init pa naman.wala na akong pera.’ Sumagot agad yung konduktor, ‘ayan ho o, lakarin nyo nalang, di ho kasi kayo nagsasabing di nyo pala alam ang bababaan nyo e’… tumayo ang matanda ng walang pagaalinlangan, wala sinabi, malungkot at halatang nadismaya sa ideyang lalakarin nya pabalik ang lugar na sana’y binabaan na nya kanina. Muli nanaman akong naawa sa nanay na yun, at nainis sa konduktor. Nabadtrip ako, bakit kasi ganun, bakit kelangan nya pang paglakarin yung matanda, dapat pasakayin nalang nya sa ibang sasakyan pabalik, konting awa at pakonswelo lang. pero naisip ko rin, sabagay, di nya rin naman kasalanan, trabaho yun tsaka marami pang pasaherong naghihintay at nagmamadali. Sa awa ko, parang gusto kong habulin yun mtanda o kaya, bigyan manlang ng payong. Kaso, wala akong dalang payong ng mga oras na yun e. sayang. Wala akong nagawa. Tulad ng driver at konduktor, wala akong kayang gawin. Kaya di ko rin sila masisisi. Hayyy……
Posted by .kyeon-klum at 3:51 AM 0 comments
Wednesday, November 17, 2010
blogging.
Hating-gabi…………. Dahil nakabili na ko ng mouse pad at mouse, sinusulit ko ang paggamit neto ngayon…… gusto kong masira asap, para naman mapakinabangan ko yung 1month warranty nila…… kesa naman masira ko after a month di ba? (sabi ni blog-tsung, ‘taba na brain-tsung mo teh!)… ansaya talaga!... teka, ano na nga ba sasabihin ko….. hmmmmm….. zzzz….. ayun…. About sa (shit, di ako nakainum ng memo-plus! Nalimutan ko yung topic ko! Swear no joke!)…..
After 5mins, brain blast!
About pala yun sa blog!... the blog, and blogging itself…..
May nagtanong sken, sino-sino daw ba ang mga taong nagb-blog… in other words, may iisang dinstinct character ba ang mga blogger na iba sa karaniwan o sa mga ‘di mahilig sa pagbblog o pagsusulat’?..... ang sagot ko naman, oo, may pagkakaiba…. Siguro, ang talento sa pagsulat, sa paglikha, yung passion ba…… yung tinatawag na ability, yung field na pwede kang mag- excel…… yung tipong ganun….. pero, yung mga may talent lang ba pwede mag-blog?... pano ako?.. oo ako, sa pagkakaalam ko, wala naman akong galing sa ganitong bagay, siguro kasi trip ko, wala akong magawa, o makausap. Sabi ko pa nga minsan, wala, gusto ko lang magsanay mag-type… yun…. Then I realize one thing, iba pala yung kakayahan sa kagustuhan mo lang gawin….. may mga bagay kasi na gusto mong gawin, tulad ng sikat na kasabihang, ‘gusto ko ang pagkanta pero ang kanta ayaw saken’.. mga ganung bagay… gusto mo, pero di ka para dun, di yun yung para at dapat sayo………. Pero may ibang bagay din naman na napipilit… tulad din ng pagkanta, napagaaralan…. Pagbuhusan mo lang ng panahon, practice practice lang yan,,,, tingnan mo si Jericho at piolo db…. Si carlos Agassi nga naging rapper pa….. ewan ko lang kay Bernard at diether….. pero ayun nga…… balik tayo sa pagbblog…… o sa kagustuhan vs talent….. tulad ng ginagawa ko ngayon, trip ko man o hindi, kung gusto kong gawin, pwede kong gawin… di ko nga lang alam kung gagaling ako sa bandang huli…..
Kaya sa pananaw ko, ang pagbblog, ang pagsusulat, wala sukatan yan, basta gusto mo, Kahit madalas mas mabilis bumuo ng sanaysay ang utak mo kesa sa mga daliri mo, Kahit nagkakabungguan na ang mga salitang pinagsususulat at pinagt-type mo, Kahit wala na sa shape ang kwento mo, kung gusto mong ilabas kung anong nasa damdamin mo, may talent ka man o wala, pwede kang mag-blog. Di por que blogger, yun na yung mga tipo ng tao na walang kaibigan, walang maka-kwentuhan, mga virtual creature sa likod ng ibang katauhan, mga alien, o mga tahimik na nilalang.. di ganun yun.. although may mga ganun, siguro pa nga madaming ganun… pero wag lahatin… di yun ang sukatan at analization dun. Kasi, ako, yung kakilala ko, yung kaibigan ng kakilala ko, yung kapitbahay namin, si bru, si jose, at kung sino sino pa, di sila ganun e… mga wild, friendly, at talkative mga yan e……………. pera este pero san ka, BLOG kung BLOG…. Kaya para sken, sino ka man, ano Kaman, saging ka man o isang isda, basta marunong ka magsulat, mag-spelling, you may, you can, and take note, you should, you must, ROCK ON!!! \m/
Posted by .kyeon-klum at 5:03 AM 0 comments
vendors kayo jan..... mura lang....
Posted by .kyeon-klum at 5:03 AM 0 comments
my mom?
Posted by .kyeon-klum at 5:02 AM 0 comments
ang dakilang OJT... bow...
Isang sem nalang! Isang sem nalang!!!!! Sana!.... sana wala ng palya to…. :) tuloy tuloy na…… ang sarap sa pakiramdam ng maka-enroll, yung last enrollment….. yung tipong may assurance na kasabay mo ang mga classmates mong gagradweyt!.. makakapag-suot ng toga, may diploma, sa tamang oras, sa dapat na panahon, at ang pinaka da best-tesssst feeling sa lahat, DI AKO MAPAPAHIYA AT BUBUGBUGIN NG MGA MAGULANG KO! YAHOOOOOOO!!! Dot com!.. :D Kahit sanay akong ma-late, dito di pwede…….. kelangan on time. Sakto lang, di maaga, di huli! :) muntik na talagang makompleto ang aking abot langit na kasiyahan kundi lang sa isang nakakainis na bagay….. ang OJT!!! Siguro nga para balance, may konting pakaba… pag wala kang pagoo-j-t-han, di ka tutungtong sa entablado ng pagtatapos…… pag walang ojt, tapos na…….. walang excuse to….. at sa dinami-dami ng pwedeng mangyari, bakit naman sa ojt pa ko minamalas… talaga naman o…. ang totoo nyan, may pagoo-j-t-han naman na ko, kaso bukod sa malayo (Marikina, dito ko sa qc), joskow, walang allowance! Diyos na mahabaging langit, di naman sa pagiinarte, pero sino bang ayaw ng bayad db? Kung kakayahan at kakayahan din lang naman, di sa pagyayabang e Kahit anong kompanya naman mapapakinabangan ako…….. kung ganun din naman, sana Kahit pakonswelo may konting bonus db?.. e kaso wala e….. pasok na pasok ang plano. Shoot… dun talaga ko, whether I like it not…. Hehe…… pero ooppps, may option pa pala ko…. Pag nakakita ako ng promising company na pwede kong gantsuhin, malapit at may ojt-allowance, sige daw sabi ni mama, mas ok nga naman yun db?........ ang kaso eto ang siste, ANG HIRAP MAGHANAP NG INTERSHIP!!! Lalo na kung walang backer…… lalo na kung di ka naman taga dito, at lalo na kung mas competent ang mga kasabay mo….. mas malala pa kung walang tumatanggap miski resume mo…. Awts….. aalis ka ng 8am, babalik ka senyo ng 9pm.. pagod pero walang nangyari.. daig ko pa ang nagttrabaho na talaga….. yun lang sila kumikita, ako, pinagkakakitaan…….. ng mga jeep at food chain………. Habang tumatagal, mas lalo kang kinakabahan.. lalo na kung tuwing log in mo sa facebook chat, ang tanong sayo ng classmate mo, mapa-net, mapa-text, “may ojt ka na?”…… joskow talaga…. Nakakakaba…. Kahit di naman ako apektado, feeling ko nappressure na rin ako, lalong lalo na pag naririnig mo mga kasama mo nagkkwentuhan tungkol sa ojt nila, ay gaaarbe talaga, kakasuya……. Mapapabuntung-hininga ka nalang nga… *sigh*…..
Posted by .kyeon-klum at 5:01 AM 0 comments
PUP-0ut
Posted by .kyeon-klum at 5:00 AM 0 comments
Wednesday, August 25, 2010
Posted by .kyeon-klum at 4:08 AM 0 comments
thankful.
Thankful, Grateful, Blessed, Lucky, Loved. Siguro yan yung mga salita na lagi kong nakakalimutan sa araw-araw na ibinibigay saken ng Diyos. Naniniwala kasi ako sa karma, kaya hangga’t maaari, ayaw kong maging Masaya, o ipakitang Masaya ako, baka kasi bawiin sa ibang araw, baka di ko magustuhan ang kapalit ng mga ngiting yun. Siguro, paranoid lang ako, pero ganun talaga e. ayaw ko ng kamalasan, ayaw ko ng mabigat na challenges. Tamad?...
THANKFUL.
Sa text tenkpul. ^_^ … thankful ako kasi kompleto pa parte ng katawan ko-pero nasan ang puso ko?-(takot kasi akong mapilay, ma-paralyze o mabulag, uy yung puso ko!).. takot ako maging handicapped. Maging pabigat. Thankful ako kasi buhay at malakas pa si mama. Thankful ako kasi nakakapagtrabaho pa si papa. Thankful ako kasi religious at mabuti ang pamilyang meron ako(yun nga lang problema din yun pag sumusobra paminsan). Mapagmahal, masayahin, positive, at united. Thankful ako kasi ligtas ang mga kapatid ko Kahit malayo kami sa isa’t isa. Thankful ako kasi may pamilya ako. na matatakbuhan ko anumang oras ko kailanganin(nax). Thankful ako kasi nandyan sila at sumusuporta. Thankful ako kasi nakakapag-aral ako, nakakapag-basa ng maayos, nakakapag-computer, nakakapag-table tennis. Thankful ako kasi marami akong kaibigan, marami akong nakilalang mga mabubuti, mababait, Masaya, mapagbigay, matulungin, matalino at masarap kasamang mga kakilala. Thankful ako kasi may baon ako araw-araw, may nakakain ako pag gutom ako at thankful ako dahil wala akong anumang malubhang sakit. Thankful ako kasi nakakatulog ako anumang oras ko gustuhin, mahimbing at maayos na pagtulog, thankful ako kasi nagigising ako anumang oras, nakakapanood ng tV, nakakapakinig sa music. Thankful ako kasi may gitara ako, may laptop, may naiinum na malamig na tubig, may electricfan, may phone at paminsan-minsan may load(sorry medyo mayabng sa parteng yun). Thankful ako kasi natututo ako araw-araw na mga bagong pamamaraan bilang estudyante. Thankful ako kasi wala akong kaaway, walang kagalit o kaalitan(last last week meron, haha). Thankful ako sa buhay na meron ako, at sa mga buhay na darating pa. marami akong dapat ipagpasalamat, na di ko naman laging naiisip. Isinasantabi ko lang. siguro, kung magdadasal ako araw-araw, dadami ng dadami ang ipagpapasalamat ko. Siguro. Kung tutuusin, kulang ang buong papel upang maibahagi ko ang mga bagay na aking pinasasalamatan oras-oras. Mga bagay na karaniwang isinasantabi ko lamang dahil sa udyok ng sanlibutang aking kinalakihan.
Posted by .kyeon-klum at 4:07 AM 0 comments
Labels: a
after long years.
Posted by .kyeon-klum at 4:06 AM 0 comments
Labels: walang label.
Monday, August 2, 2010
bday wish..
Posted by .kyeon-klum at 7:15 AM 0 comments