THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Friday, December 24, 2010

blogsarry..

1year na pala si blog-tsung ko! oo, ako, eto, etong blog na to na walang nakakabasa at walang naliligaw(salamat kung ganun)…… habang alam kong walang sinuman ang nakakaalam o naliligaw sa tambayan kong ito(o atleast naniniwala akong wala talaga) e magtutuloy tuloy tayo sa kwentong makasarili(kwentong ako lang ang nakakaalam) haha…. O kahit may mga makabasa pa, basta di nila alam na ako (tunay na  pangalan) ang salarin sa krimeng ito sa blog feel safe ako jan. Hehe. Basta, Masaya ako tuwing nandito ako at nakakabasa ng mga blog na nakakatuwa, nakakatawa, nakakainlove, nakakatakot, nakakainspire, nakakabigay-talino at impormasyon, at madami pang iba. This blog helps me a lot, di lang sya simpleng pang-unwind or recreational for me, marami akong nalalaman in terms of life and people (chismis?) at madami di naman akong natututunan scientifically (naks) or informatively, madami, astig nga e. kaya di ko to iniiwan, kasi parang minsan, nalililgaw nalang ako sa isang thread na sobrang swak sa mood at needs ko, tapos ayun, kundi gumagaan ang loob ko e naa-unwind ang utak ko, o kaya may natutuklasan ako. lupet talaga. J anyway, masyado ng flattered si blog-tsung, tama na. hehe. Basta happy One Year, happy anniv sa blog ko. at syempre, Happy Christmas sa lahat! ^_^ sken lang pala. Hahaha. GOODLUCK, GODBLESS. Happy new year na din. Ciao.

my place..

As usual and as always.. Di nanaman ako makatulog, at kapag ganitong di ako makatulog e sinusumpong ako ng blog-tsung syndrome ko. It’s either malabanan ko ang pag-on ng laptop o hindi. Kanina pa may maingay sa labas ng bahay, isang bagay at isa sa mga kinaiinisan kong dahilan kung bakit ayoko sa lugar namin dito, at nagbibigay sken ng dahilan upang makalipat na. kaso wala e, sa ngayon no choice muna ako kumbaga, wala pa kong pera e. tsaka nalang, kapag mayaman na. tsaka nalang kapag kaya ko na. total ok na rin naman dito sa lugar namin, kung tutuusin mas ok naman dito di hamak kesa sa ibang lugar no, yun nga lang di mo maikukumpara sa mga subdivision syempre, medyo magulo dito e, may holdaper at snatcher sa madaling araw, may sumasabog at pumuputok na poste anumang oras Kahit di naman new year, yung tipong bawat oras e prone kayo sa sunog, nakakaparanoid lalo na kapag Sunog yung balita sa TV. Hehe. Tapos ayun, andaming tao sa paligid, maingay, madalas madaming sasakyang dumadaan, Kahit dis oras pa ng gabi pag napagtripan ng mga adik magingay at mambulahaw, magsstrol sila sa madaling araw gamit ang pagkaingay ingay nilang motor, sisigaw pa mga yan, naku talaga. Madalas din may rambol, mga frat, gang, clan, mga siraulong ewan, mga galit sa mundo kaya pati sa tulog e nagpapapansin, pati bahay mo babatuhin. Minsan anak mo na pala yung nakabasag ng bintana nyu di mo pa alam,, may mga nagvivideoke wantusawa kahit bumabagyo at bumabaha na. badtrip pa naman yung ganun, yung sintunado na nga lalakasan pa ang boses, negative 30 na yung score ayaw pa paawat. May mga nagaaway din na magasawa, magkabit, magkaewan, mga wala lang, trip lang makasigaw makapagpasikat lang. ewan ko ba, madaming ganyan sa lugar namin o miski sa iba pa sigurong lugar pero bakit parang balewala lang sa mga tao dito. Hay naku. Feeling ko nga wala gobyerno sa lugar namin e. hehe. O, napansin nyu madalas mangyari nga ganyang bagay sa gabi, pero Kahit umaga hassle pa din sa lugar namin, minsan kasi gigising ka na parang nasa payatas ka (pasensya na sa payatas), pagkabaho baho talaga ng lugar bigla, Kahit mejo mabaho lang mabaho pa din, umaabot din kasi dito ang amoy ng basura galing sa payatas e, kaya ayun, nakakainis.. di lang usok at alikabok pag umaga ang magpapabadtrip sayo, kaya minsan, pag puyat ka sa gabi dahil sa mga hassle na yan, late ka magigising, ok na rin. Pero pagkagising mo, goodluck!.. O nakaka takot talaga db? Pero mas madalas, nakakainis, nakakabwisit. Yung tipong di ka makakatulog ng mahimbing kasi natatakot ka na anumang oras e pasukin ng masamang loob ang bahay nyu Kahit sobrang nakasusi pa pintuan nyo, yung tipong Kahit eroplanong dumadaan e paghihinalaan mong babagsak sa bahay nyu, nakakaparanoid, sa lagay na to wala pa kong masamang experience ah. Hayst. Kung minsan, masarap lang matulog kapag pagod na pagod, yun nga lang madalas sa pagod babangungutin ka naman, naku talaga, pero parang mas ok na yun, hehe, atleast mas malaki ang chance mong magising sa bangungot kesa sa lindol, FYI lang kasi nasa 3rd floor kami. Hehehe. Lahat ng trahedya at disaster kasi possible dito e, I mean, mas possible talaga,.. sabagay, anything that can happen, Will happen. Hmm. Ewan ko lang ah. Pero sabi nga, sanayan lang yan, sanayin mo ang sarili mong tanggapan na wala ka ng mga bagay na gusto mo at tyak masasanay ka sa mga bagay na mayroon ka, gusto mo man ito o hindi. Sanayan lang yan, pakapalan ng balat, patibayan ng utak, basta siguraduhin mo lang na may patutunguhan ang pagtitiis mong yan. May mga advantage din naman sa lugar namin e, tulad ng malapit sa market(advantage bay un?), malapit sa school(ewan lang ah!), malapit sa mga computer shop(Kahit halos lahat na ng mga bahay dito e may mga sarili ng computer at ISP), maraming tindahan, malapit sa mall, madaming pasyalan, mga mababait na kapitbahay(yung mga masasamang kapitbahay kasi sa gabi lang ata yun active), mga batang makukulit na nandudura ng mga dayo (isa kasi ako dun kaya di yun masama, haha joke lang), tsaka, di kami inaabot ng baha (dahit bukod sa nasa 3rd floor nga kami e mataas ang lugar na to kumpara sa ibang lugar, kumbaga, lubog na sila, dito hanggang talampakan palang ang baha), anu pa ba, ahm…. Wala na ata. Hehehe. Kasi nga ayaw ko na dito samen, Kahit mas gusto ko naman dito kesa sa ilalaim ng tulay nu.

May mga personal din akong dahilan kung bakit ayaw ko dito, tulad nito, malapit ako sa school namin kaya madalas e dinadalaw ako ng mga classmates ko kahit ayaw ko(whahaha!), Kahit busy ako, Kahit naliligo ako, kumakain, o anuman, yung mga unexpected, yung tipong makikigamit ng laptop(ehem), ng CR, o makikipahinga lang. ok lang naman yun e, pero kasi pag unexpected tsaka pag madalas o sunod sunod na (minsan mga 6 times a week-salamat na ko at may lingo-) aba e nakakainis din db, hassle yan sken lalu na mahilig akong matulog. Eto talaga madalas, yung dahil nga malapit bahay nyu e sandmakmak na gamit ang ipapatago senyo(di pa naman ako marunong tumaggi) tapos dahil jan, papagalitan ka pa ng nanay mo, tsk tsk tsk talaga. importante man o hindi, voila! May instant bodega ang mga kaibigan mo, saan ka pa?.. hanep db? Ambait ko pa naman este andali ko pa naman hanapin dito kasi nga madalas e taong bahay ako. eto pa, di lang tungkol sa school, minsan kahit habang naglalakad ka lang sa kanto e makakasalubong ka ng kamag-anak na ubod langit ang galit sayo, yung tipong mumurahin ka in public at di mo pwedeng patulan. Awts talaga yun, nakakahiya na, nakakangitngit pa. minsan di ka makabili ng meryenda sa baba kapag weekdays(kapag wala akong pasok) kasi pwedeng may makasalubong kang kaibigan na eepal sa buhay mo(joke), o kaya yung crush mo makita ka na nakapambahay lang, dyahe db?.. mga simpleng bagay na tulad nun, mga bagay na ayaw ko talaga, gusto kong baguhin. Pero alam kong parte na yun ng lugar na to. Sabi nga ni tutut, kung ayaw mo sa lugar na to, umalis ka, di naman to magbabago para sayo e. ayun lang, ganun lang kasimple. Kaya ako, hanggang blog nalang.. aba malay ko ba, baka may magbago.. nasa paniniwala lang yan. J hehe. Merry Christmas!:D

sa di inaasahang pagkakataon..

Sa di inaasahang pagkakataon, di nanaman ako makatulog. Kaya eto, salamat na rin, at nakapag-blog ako.

“kapag umalis ang isang tao sa buhay mo, at di na sya bumalik, ibig sabihin, hindi sya para sa’yo. Pero pag bumalik sya, kailangan mo syang mahalin…  ng panghabambuhay.”

Totoo kaya?.. napanood ko lang yan sa MMK, natuwa ako sa sinabi ng bida, natuwa ako sa pananaw nya. Siguro nga, kung para sa’yo, makukuha mo, gusto mo man o ayaw mo, maganda man o hindi, makukuha mo ang nararapat na sa’yo. Kaya siguro di na sya bumalik sa buhay ko, di dahil di sya para saken, kundi para sya sa iba. Para sila sa isa’t-isa. Pero siguro, just in case, sakali mang bumalik sya, kung sakali mang magbago ang tadhana at ako ang iguhit nito sa puso nya , Kahit paulit-ulit pa syang umalis, Kahit ilang beses ko pang maranasan ang hirap at sakit ng pamamaalam, Kahit higit pa sa bilang ng itatagal ko sa mundo ang panahon na kelangan kong maghintay, Kahit imposible, o Kahit kapalit ang lahat ng sayang mararanasan ko sa piling ng iba,  mamahalin ko sya ng higit pa sa buhay ko. o kapalit man ang buhay ko. medyo OA, pero sa tao atang sobra magmahal o tinamaan ng ganitong klaseng pag-ibig (mauunawaan ako ng nakakaranas nito ngayon) kulang pa siguro ang mga sinabi ko, kulang pa para mapatunayan kong mahal ko sya at nagmamahal ako. sa una at huling pagkakataon. Sayang.

Sa ngayon, panghahawakan ko muna ang pananaw na ‘to, susubukan kong maniwala sa bisa ng pangalawang pagkakataon, hindi dahil umaasa akong babalik sya sa buhay ko, kundi dahil alam kong anuman ang itakda ng tadhana para saming dalawa, magkasama man kami sa huli o hindi na talaga, alam kong magiging masaya kaming dalawa. Sa pangalawang pagkakataon na ibigay sa amin.susubukan kong alamin ang di ko kayang alamin, susubukan kong harapin ang kinatatakutan ko, ang maiwan, mag-isa. Nanaman. J aalisin ko muna sa ngayon ang pagaalinlangan, ang kaba na baka mabigo ako. kung sabagay, sa kabilang banda, lagi kong nasasabi sa sarili ko, paano ko malalaman, kung di ko susubukan? Db? Solomot.