THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Sunday, July 10, 2011

post-grad

Whew. Nasabi ko na bang naka-graduate na ko? yep. Im done with school. Too cool for that damn place. Pero, ang totoo, nami-miss ko pala mag-aral. Parang gusto kong bumalik. Wala lang, gusto ko lang bumalik. Kasi, no pressure (in terms of money), no expectation (in terms of money ulti), no……. no need to work hard(yeah, got it, because of money!). tsaka, mas kumikita ako noon nung nagaaral ako kahit wala naman akng trabaho. Weird. Ngayon, ahm… wala pa ring akong trabaho. J april pa ko grumadweyt, pero after nun, di ako naghanap ng work…… umuwi ako samin, sa province ^_^ namiss ko din kasi yung tahimik, fresh air, makulimlim, maagang pagtulong, dagat, bukid, mga batang kahit di mo kilala kamag-anak mo pala……. Namiss ko bumalik…. Anyway, wala akong balak ikwento yung karanasan ko dun, not now… just wanna share my experience about something else, recently lang. ayun nga, sa province siguro tumagal din ako, sabi ko pa nga noon (bago ako magtapos) “God, makapag tapos lang po ako, magsasacrifice po ako, tuturuan ko po ang mga katutubo sa probinsya namin, voluntarily, kahit walang sweldo”… tapos yun, ilang lingo palang ako samin, sa lugar palang namin ah, sa bayan namin, wala pa sa bundok, di ko na nakaya, gusto ko na kagad bumalik dito sa maynila. He he he. Namiss ko agad yung mga usok ng sasakyan, yung magulong buhay, yung madaming tao, nagsisiksikan… gusto ko pa rin makisiksik. Kaya yun nga, bumlik din ako… nakapagtapos ako, pero yung panata ko di ko pa natupad. Ang sama ko talaga, dami ko ng atraso kay Bro. grabe, sana maintindihan nya ko. anyway highway, pagdating ko dito, nagulat si mama. Ayun, sa pagkagulat nya, pinatrabaho nya nalang ako. maghanap na daw ako ng work. Kaso, dahil anak ako, panganay pa, ng katamaran, ayaw ko magtrabaho. Sabi ko, sasamantalahin ko muna tong mahabang bakasyon. Ayaw ko pa talaga. Ang dami ko ngang dahilan kay mama e. kesyo wala pa kong T.O.R (na totoo naman—kasi 45 years magrelease ng TOR yung school ko, pasensya), na gusto ko muna pagpalusog ng katawan, na di ko pa kaya, na gusto ko muna magpakundisyon, plus drama ng konti…. Ayun, nakumbinsi ko naman sya…… pero minsan pinaparinggan pa rin nya ako. until……… dumating ang isang pangyayaring nagbago ng lahat (hindi ako, ng lahat)… na-stroke si papa. It sounds straight, voiceless, pero, nagulat ako sa pag-type nun ah. Stroke. Wew. nakakatakot. Nakakakaba. Akala ko nung una, simpleng karamdaman lang, kasi dati na-stroke na si papa, dinala sya sa ospital, pero, kampante ang lahat, bata pa ko noon, kaya di ko gaanong naintindihan, at inintindi. Ngayon, nabalitaan ni mama na may sakit si papa, si papa kasi kahit matanda na dapat sa edad nya, retired na sya, e nagttrabaho pa din sya kasi walang susuporta sa pagaaral ko (oo ako, ako na ang may kasalanan, pasenya ulit)… wag kayong magalala, sinisi ko na ang sarili ko. pati nga yung mayari ng company na pinagttrabahuhan ni papa nasisi na ko e, anyway, yun na nga…… nagtrabaho pa din sya, pagkakataon nga naman, ang tadhana talaga mapagbiro. Pinagtapos lang ako… ayun, siningail na nya ang pamilya…….. inatake na pala si papa. Nalaman ko lang ng di sinasabi sken….. si mama, pumunta sa barko (seaman nga pala father ko)…. Tapos yun. Si papa nasa hospital bed na pala sa isang hospital sa –isang probinsya---- dumating mga kapatid ko, ililipat na daw si papa sa hospital dito sa manila, ayun, yun ate ko, yung sinundan kong ate, tumawag na, umiiyak….. teka……….. BUHAY pa papa ko ha. Easy lang. kaso, di na daw makapagsalita, at makapaglakad………. Nakakatakot, nakakaawa ang father ko, kahit di kami close, naappreciate ko naman ang mga paghihirap nila ni mama para saken. Infairness. Pero, ayaw ko na magdrama, ayoko na actually magkwento tungkol dun, kaya let’s leave it behind.  Yun na nga, (interruption---lovi poe at Jessica soho’s show).. back….. saan na nga ba ko… ayun, dahil nga dun sa mga nangyari, syempre maapektuhan ako nun. At dahil nandito na mga kapatid ko, ayoko na nga magkwento badtrip…………. :/ 

Saturday, June 18, 2011

pagbabalik-tingin.... ahh tanaw pala.

May naalala lang ako.

PUP. sta.mesa. :)

Naalalaa ko nung pumunta kami sa pup main para umattend ng seminar.

Dahil graduating students, required kami maka-attend ng 1 seminar local and 1 seminar national para sa isang subject namin. bahala na kami dumiskarte kung saan at paano, basta may reaction paper kami at certificate na mappresent namin sa prof namin na nakompleto namin lahat ng seminar namin. plus pa yung mga seminar namin sa school na kami mismo yung nagorganize. anyway, yun ngang pup main yung una naming pinuntahan, sa sobrang pagmamadali nalang din siguro, pressure, at yung takot namin na mapagiwanan kasi nga graduation na anytime soon. kaya kung ano yung mabalitaan naming available na seminar sa isa naming classmate, pasa-pasa nalang ng balita at yun, sama sama na kami sa iisang venue. nakakatuwa din kasi atleast pag sama-sama, hindi boring.

Sinabi ko bang di boring? may seminar bang di boring? talaga? basta ang alam ko, yung seminar sa pup main, hindi nga boring, kasi di ko naman pinakinggan yun. Ha! late na kami dumating sa sta.mesa, o gusto kasi talaga namin ma-late dahil wala naman kaming balak makinig(may balak din pala! Weh?), bukod sa kelangan lang namin yung certificate (na di mo makukuha kung wala ka dun-- kasi dun din mismo sa lugar ding yun ang registration) gusto din syempre namin gumala--ng may pera o baon. kaya pwede na, maiba naman ang ambiance. ibang pup naman kumbaga.

Dumating nga kami, late. paulit-ulit? :) nagalit pa yung kung sino mang poncho pilatong organizer ata (o baka prof sya?) sa pagka-late namin. medyo pinagalitan kami, akala siguro estudyante nya kami (sipain ko sya e) pinagsabihan kami na bilis bilisan daw namin, at kung wala daw kaming balak pumasok sa loob e wag daw kami tatambay tambay dun sa hallway(tama naman sya at ang galing nyang manghula ah).. nabadtrip agad kami (ang angas kasi ng dating e, close ba kami?prof ba namin sya?cute ba sya?). pagkakakitaan na nga nya kami ng 20 pesos bawat isa ang taray nya pa? nakikita ko na yung mga kamao ng mga kasama ko, left and right, blood everywhere, tumatalsik na yung dugo nung mayabang na organizer, sigawan, nagkakagulo na----- chill. idea ko lang yan, pero yan talaga yung mangyayari pag di pa kami pumasok sa loob. kaya kesa magkagulo, sinulat na namin yung name namin sa form, ka-course din pala namin yung seminar promoter e, cool, kasi kilala sya nung classmate namin, well sabagay, siguro, kaya kami may seminar dahil sa kanya. Whatever. papasok na kami naririnig pa namin yung prof/organizer na may pinagsasabihan nanaman, classmate din ata namin, ganun din yung dialog, lakas trip. Dedma nalang, di namin teritoryo yun e, may araw ka din sEr! bwahaha. Peace!

Nung nasa loob na, syempre, the usual, hinanap muna namin kagad yung unang dumating naming classmates dun, tapos nakiupo na kami. Tumabi ako sa mga masisipag at masunurin kong mga classmates na halatang hindi nakikinig. Sa dulo na kami halos nakapwesto, ayos na din, madaling umeskapo. Ang daming tao, madami nanamang pera ang makukulimbat ng pesteng kalbong mataray na organizer na yun, madami nanamang masasayang (hindi Masaya ha, ayusin mo magbasa) na oras. Siguro wala pang 5 mins akong nakaupo, nagutom na ko. at nabubwisit na din sa speaker, sa boses nya, at sa pagpapaliwanag nyang ubod ng sama. Para syang highschool student na hinatak lang somewhere sa gilid ng kanal. Para syang sumisinghot ng usok galing sa tambutso. Sorry, pero ganun talaga itsura nya. Bulong ko sa katabi ko, ‘pre dapat ikaw nalang umakyat jan, agawan mo ng mic, di hamak namang mas magaling ka mag-explain kesa jan, kung nageexplain nga ba yan’. Tumawa lang ang hitad, akala nya nagbibiro ako. Nakakatamad. sakto, tanghalian na pala. Ang bilis, ganun ba kalayo yung commonwealth sa sta.mesa? 9am ako umalis ng bahay ah, wiw. ayun nga, kakaupo ko palang, di ko pa man nararamdaman yung init ng inuupuan ko, naburyo na ko, sabay pa yung pagkalabit nung mga kaibigan ko sa likod, alis na daw kami, sabi na e. ayun, nagugutom na daw sila (sus, ayaw nyu lang talaga makinig, whahaha!) gusto ko pa talaga umupo e, kasi yung mga katabi ko sa upuan e nagsisilabasan na ng kanya kanyang pagkain, mambuburaot nalang sana ako, e kaso nakakahiya naman, mamaya magsigawan pa kami ng ‘uy, akin nalang!’ o kaya ‘uy penge naman patikim!!! konti lang’ or, ‘pre tubig! Sinong may tubig jan???’ o kaya ‘brad palit tayo ng ulam, may gatas ako!’ lol. ayos lang sana e, kaso nasa ibang lugar kasi kami, baka sumikat yung school namin ng di oras. agaw eksena. Kaya kesa makiagaw, sumama nalang ako sa mga friends ko sa labas. Palabas na kami, tumingin pa samen yung kalbong organizer, sabay tanong, ‘saan kayo pupunta?’ .. anong paki mo? Sa isip isip ko. painosenteng sagot ng kasama ko, si bien, ‘ah bibili lang po ng iiinumin’, sabay dagdag pa ni vanessa, ‘iihi lang po’…. Nyahaha. Walang palag, di dahil ang galing namin sumagot, kundi dahil ang aangas ng dating namin, tipong, sige ser, pigilan nyu kami, dadanak ng dugo MO dito.. haha. Kiber. Ang yayabang e nu, samantalang feeling namin wrestler yung mokong kalbong yun, kumpara kay bien na payat, payat, payat. Hekhek. Sabagay ayos lang may frat pala si bien, pwede nya yun tawagin, nyahaha. Ano ba yung mga iniisip ko nun, wala na nga e, nasa labas na kami ng hall kung ano ano pa iniimagine ko that time. Ayun, nakasalubong pa namin sina bangs, mukhang kagagala lang at pabalik ng ulit sa loob. Kami naman this time.

Naghanap na kami ng makakainan at makakain sa mga canteen sa pup, ang daming tindahan, sarap dalhin sa loob ng campus namin yung canteen para madami na din kami pagpipilian. Parang isang malaking tyangge at foodcourt na nasa loob ng school yung mga canteen dun sa pup sta.mesa, di ka magugutom, di ka mawawalan ng sakit. Dahil di naman kami taga dun talaga, kahit di namin first time makapunta dun, di pa din kami sanay, di nga namin alam kung saan yung cr e. Umikot ikot muna kami dun, tinitingnan yung mga accessories, pagkain, at yun, wala kaming mapili, di kasi namin alam kung saan kami kakain. Lahat at nung parang food stall na pwedeng paglagyan ng pagkain e may mga nakapwesto na. ang ending, naghanap nalang kami ng CR, sobrang nakakatunaw ng pagkain yung paglibot dun sa canteen ah, pwede ka pa nga maligaw dun (pero wala pa ding makakatalo sa up dilman sa ngalan ng ‘pagkaligaw’, ikwekwento ko next time). After pagikot ikot, nagdecide na kami bumili, di na talaga kaya, dapat babalik na kami sa seminar, kaso ayaw na din namin, para saan pa. e ayaw ko din makita yung naninita smen e. sa ayaw at sa gusto namin, napabili na kami ng pagkain, naka styro yung food, kelangan din talaga namin ng desenteng table na magagamit. Wala talaga dun sa hallway ng canteen, at ayaw namin dun, ang daming tao, panu ba sila nakakakain dun ng nakatayo tapos mababangga bangga ka nung mga dumadaang estudyante, nu ba, ganun ba talaga? O ganito lang kami kaarte? Sa gubat kasi kami galing e, go anywhere anytime with anybody ika nga.

Dahil sa gutom, nagikot kami sa may likod ng pup(di ko alam kung tama bang likod ng pup yun), dun kami napadpad sa may ilog pasig, basta dun sa may ilog, di ko lam panu kami napunta dun. Wow! Sa wakas, may nakita kaming mga lamesa, may upuan, pero shit, kaya pala bakante, sira tyaka madumi. Ang daming tables actually, pero hanggang dun madaming nakapwestong students, yung iba di naman kumakain, nakatambay lang, kaso wala kaming karapatang magpaalis dun, tulad ng sinabi ko, di namin teritoryo yun, mahirap na, ang dami pa naman naming nakikitang mga signboard ng frat. Hanap ulit kami, tapos sa may parang bakanteng lugar, kumonti na yung mga students sa banda dun. sa wakas, may nakita na din kaming mga tables ang chairs, isang kubo, pero may mga students, napatingin pa nga smen, next, isang pwesto, table ulit, pa-circle, may mg nakaupo, kainis. Paglingon namin sa kaliwa, voila, sakto, clean table, pahaba, tapos may mga chairs na pang room, nakahanay, black pa yung kulay nung chairs, parang sinadyang kulayan. Ayos. talagang parang inihanda para samen yung lugar, ako, si vanessa, si gail, si chris, at si bien. Maluwag pa. talagang pwede namin ilatag yung food namin. Malinis. Medyo nagtitinginan lang samen yung ibang students na dumadaan dun at yung mga students sa kabilang table, parang nagtatnong, nagtataka o ewan, di ko mabasa reaction nila, at wala din akong pakelam. Weird. Iba nang sikat, popogi naman namin. E di eto na, taranran, ayos, start na ng pagkain. Sina chris at bien, sumubo agad, ang tatakaw talaga, di pa ko nakakaupo sila nakakain na. amazing. Tapos susubo na ko(ako lang ba o bakit parang ang pangit sa pandinig yung term na ‘susubo’?), nakita ko si bien nakatingin sa may likod ko sa bandang kanan ko(magkaharap kami), parang natulala, sabay napa-shit. tapos bumulong sya kay chris. Si chris napatingin din somewhere sa lugar ko tapos may sinabi kay bien, kami naman, napa-bakit??? Anong meron. Tapos sumenyas si bien, ‘sshhh… kain nalang kayo, bilisan nalang natin, wag kayong magkakalat ah.’ ‘e bakit?’ ako. sabay bulong sken ni chris, katabi sya ni bien nun, binulungan kami ‘tumingin kayo sa kanan nyu, basahin nyu’. Tumingin naman kami nina vanie at gail, ‘ay shit, APO’ sabi ni gail… pagtingin namin, may isang malakaing parang rebulto ba un, o black board lang, nakalagay APO for brotherhood …. blah blah blah. with matching logo. ok FRAT yun, so? binasa ko pa yung mga details, di ko kasi magets, after ko i-sort yung idea, mejo magulo pa sken, tinanong ko pa sila, ‘o e ano? Anong meron jan?’.. sagot ni chris, ‘yung kinakainan natin ngayon, sa apo. bawal tayo dito, mga member lang nung frat ang pwede dito, sakanila tong pwestong to. yari.’ Si bien, parang nanginginig na ewan, panu bang hindi, e taugamma sya e, HAHAHAHa. Di ako natakot, e malay ko ba, bakante e, tsaka susmaryosep naman kasi yung sign board nila, nakaharap sa ilog na parang nakatagilid, panu yun mababasa agad? Yung lugar pa, nakakaengganyo upuan. Tsaka, bakit ba, bawal umupo? Grabe naman sila. Well…. Di pa kami ganu bumalik sa pagkain namin, nakiramdam kami, mejo nagiisip, tapos nakaramdam na din ako ng konting kaba, shit, kaya pala pinagtitinginan kami ng mga estudyante kanina (actually hanggang ngayon), kaya pala parang nagkkwestyon yung mga tingin nila, siguro ngayon tumatawa yung mga yun, kasi lagot kami malamang o tyak sa mga member ng frat dito, josko. dun ako napaisip. frat yun e. kung ano ano na pumasok sa isip ko. baka mamaya piringan kami, dalhin sa kung saan madilim, bugbugin tapos yung kalbong organizer pala member dun, ano nalang mukhang mahaharap namin sa kanya? (bat ba napasama pa sya?) baka saktan kami, patayin, itapon sa ilog, e ang lapit pa naman ng ilog dun! waaaahH!!! Sa isang Segundo natapos ko ang madilim na imahinayong yun sa isip ko. wew. mejo nagbulungan na kami, ‘alis nalang kaya tayo?’ sabi ni gail, ‘wag na’ pagtutol ko, nakakatamad e, ‘oo nga’ pagsang ayon ni vanie. si bien, ‘ok lang yan, kain lang tayo, bilisan lang natin, wag tayong magkalat ah, pag may lumapit, sabihin lang natin di natin alam, kunwari magulat pa tayo na sakanila pala to.’ ….. di pa rin kami convince, ‘lagot ka bien, TAU ka pa naman, ha ha’ biro ni chris, medyo nagtawanan kami ng konti, pinakalma nalang namin mga sarili namin. ‘magpakabait nalang tayo, yung tipong sobrang inosente’ si bien.jan ka magaling bien. Ganyan ka talaga e. medyo nahimasmasan na kami, shock lang pero dahil na din sa gutom, di nalang namin pinansin ang mga nangyari, tahimik lang kami, bahala na mamaya. Kung anuman. pero nagkkwentuhan pa din, naisip namin, mukhang wala naming Apo sa lugar na yun kasi wala ngang nakaupo nung dumating kami e, *cross-finger*. Wala nga sanang dumating.

Hindi tinupad ang aming hiling, na matapos lang naman sana namin yung pagkain namin, aalis din kami agad. Pramis. Pero wala. Nasa kalagitnaan palang kami ng paglunok, Masaya na yung usapan, thug thug thug thug thug thug thug… kakakaba, may lumapit na limang malalaking mamang may hawak ng baril, may mga tattoo ng Apo, nanlilisik ang mga mata, nakatitig samen, galit, yung isa may hawak na chainsaw, yung isa, espada, yung isa itak, duguan ang mga dala nilang armas, halatang nagamit na, may mga panyo sila, malaking kahoy, icepick at virus----trojan…… tapos biglang……….. bang!!!! Joke lang. babae. Babae yung lumapit samen, emo-girl. I guess you got the picture. The eye liner teh! Para syang mala-rocker, avril lavigne yung style, madaming pierce sa tenga, sa dila din ata, sa lahat! hehe, double size….. yung katawan nya, medyo mataas, at yun nga, basta yun na. nag-excuse me naman sya, pero mejo sarcastic, bossy, territorial yung tono kung baga, parang ganito, ‘excuse me, anong chapter kayo?’ … di ko sya naiintindihan, napatingin nalang kami kay bien kasi sya yung mas nakakaalam nung kung ano man tinutukoy ni ate, pero kahit sya tahimik, di din nya alam ang sasabihin. Nagsalita ulit si ate, ‘ah, sorry ah, kasi yung place na to exclusive lang for the brotherhood, --sabay turo dun sa sign board nila--- di kasi pwede yung ibang students dito’. Nakakatakot si ate. Ang laki pa naman nya. Tumingin kami sakanya, yung mga mata namin parang humihingi ng kapatawaran o saklolo. Tapos, tipong pagulat na sabi nina bien, at chris,’ ay oo nga, hala, yun pala ibig sabihin nun?... ate, sorry po kasi ano, -------ang bait neto ni chris at bien ah, galingan nyu tol, dito nyu magagamit ang pambobola nyu----- di namin alam na bawal pala dito ate’ tapos sabay sabay na kami, sa napakabait na tono, ‘ay oo nga po ate, sorry, akala namin vacant, sorry ngayon lang po namin napansin, di po namin alam L’ .. meow! Haha. ‘ah, saan ba kayo galing?’ si ate. ‘sa QC po kami, umattend lang kami ng seminar, e wala po kamin mapagpwestuhan, ayun nakita po namin to akala namin pwede dito kasi walang nakupo, di po namin alam ate’ .. sus, pero ang totoo…….. ‘pero kasi, bawal po kasi talaga dito e, teka lang ah’ sabay alis si ate. Bumalik sya mga after 2 mins, inaantay namin sya. Pagbalik nya, ‘ah, ate, sige po alis nalang po kami, sorry po talaga, di po namin alam.’ Sina bien na nagsasalita, tahimik na ko, ready na nga ko umalis actually, baka mangyari yung mga iniisip ko kanina e, wiw…… argggg……… tapos, bigla, ‘ah sige, di na bale ganito nalang, tapusin nyu nalang muna yan, kumakain na kayo e, wag lang kayo magkalat ah, kasi di talaga pwede jan, ok lang yan J’.. yan, ang bait ni ate, feeling ko naman, inutusan lang sya, mukhang tagapadala sya ng mensahe ng boss nya, yung mga nakaitim na matatabang mga lalake na nasisilip namin na kausap nia nung umalis sya for few minutes. Nakahinga na kami ng maayos, di naman pala sila warfreak, salamat naman. ‘opo ate, bibilisan po namin, linisan nalang din po namin, madali nalang po to J’ ang babait namin grabe. Ibang iba talaga pag nagigipit. Harhar. ‘sige’. Umalis na si ate. Wiw. Salamat po ate. Tapos, ayun tinuloy na namin yung pagkain. Atleast ngayon di na kami tensyunado, tsaka may basbas na kami nung frat, e di mas relax na kami lalo, mas ok, sige pagtinginan nyu pa kami. Hahaha. Feeling namin that time member kami ng apo e haha. Yabang.

At natapos kaming kumain, salamat po. Talagang sinigurado naming walang kalat sa paligid namin, kasi may balak pa kaming tumambay sa may ilog, mahirap na baka maging center of attration ang school namin pag di kami nagbehave, di na nga kami nakinig sa seminar e, tsk tsk. After nun, gumala kami sa school, gala gala gala. Tambay tambay tambay. Inikot namin yung pup sa paghahanap ng desenteng cr, at hinanap na din namin yung ibang kuta ng mga fraternity, andami pala dun, talagang pwesto pwesto sila, astig, sana may ganun din sa school namin e. hinanap namin yung pwesto ng taugamma, hala bakit di namin makita, wala… magkakatabi lang naman halos lahat ng pwesto dun, hmm.. Hanggang sa nagpalaam na si bien smen, kaming apat nalang ulit. Ayun, astig, tambay kami sa may ilog picture picture. Tapos maya maya, nalaman nalang namin, tapos na pala yung seminar, salamat naman. Pero wala kaming balak umuwi agad kaya nakiisyoso muna kami sa mga tao dun, wala lang. nagbasa ng mga posts ng mga aktibista sa ibat ibang sulok ng building ng pup, naghihintay kami ng gulo este rally, kung ano ano lang. walang gaanong naganap maliban dun sa mga ibang nagrarally na normal na ata dun. Naisip ko yung tuition fee increase issue, yung mga nagliliparang mga upuan, at big news yun noon, sayang di namin nasaksihan ng personal, hay…..

After some time, nakasam ulit namin si bien, wala atang kaibigan to eh. joke lang. madami yang kaibigan, kami lang yun masarap kasama, oha. Joke lang ulit. Wala lang talaga syang choice, kami nakita nya e. sabi nya hinahanap nya daw yung tambayan ng TAU, di nya makita. Then, guess what kung saan kami napadpad? Sa tambayan ng  tau! Alam nyu kung saan? Sa dulo ng mundo! Grabe, ang layo. Sa may field yung pwesto nila, malayo sa building, nasa dulo pa. tapos, wow, talagang isolated. Feeling ko yung buong bakanteng lote dun malapit sa football field, e sakanila. Batas. Natuwa kami kasi kanina pa kami naghahanap ng matatambayan na pwede din magxxxxxxx-bastaxxxxx wantusawa. Natuwa naman si bien oh, takbo agad sya, saglit lang daw babalik sya antay lang daw kami dun.  Walang utang na loob, iniwan kami, hahaha. Tumayo lang kami dun, pinapanood sya habang kinausap nya yung lalaki dun na may mga kasama din ata, di namin gano matanaw kasi malayo nga yung lugar. Feeling namin yung kinatatayuan namin yung border nung frat e. tapos si bien, biglang kumaway, lapit daw kami. Syempre lapit naman kami agad, ah nakalimutan ko pala sabihin umuwi na pala si chris nun. Weak yun e. haha. Hinahanap na daw sya ng MGA asawa’t anak nya. xD whahaha. Lumapit kaming tatlo, mga chix kami oh, ngiti agad yung friend ni bien na guy, sabay ‘hi’ samen, ay sus nagpapakyut si kuya, kung alam lang nya.  *grin* … tinanong ni bien dun sa guy kung pwede kami tumambay dun, wala daw problema, basta friends.  Kung tama ang pagkakaalala ko, Tatlo lang yung nandun, yung guy, tapos 2 girls, kilala din pala sila ni bien. Tapos, biglang may binulong yung mga girls kay bien, lumapit samen si bien, tinanong kami, ‘kung gusto nyu daw maginuman dito? shot shot?’…….. bien? Wala ka talagang pinipili? Tibay. napanganga ako dun ah, wow, cool, napaka hospitable talaga ng mga pinoy. Haha. Kala ko rereypin na kami e o kaya hazing na or ippa-pledge na kami, haha joke lang. gusto ko ng beer, sa isip isip ko. pero sa kabilang banda, hello? Earth to me? Nasan ako? baka di ako makauwi! Tahimik lang ako, nagdadalawang isip. Pero sumagot agad kasama ko, di daw pwede, may lakad pa daw sila, tyaka 3pm palang nun. Sabagay. Kaloka e. :D walang pinipiling oras mga students dito, batas talaga. Malayang paaralang nga talaga. To ang gusto ko! After nun, after mga 30 mins and so na pagpatay ng oras, pagbato sa basurahan, at paghikab, nagyaya na kami umuwi. kaumay eh, nagpaalam na si bien, at yun, bye. Tapos ayun umuwi na kami. Tapos, si vanie nagyayang mag table tennis, kaya si gail umalis na pumunta sa lakad nya. kami ni vanie sabay kami pumunta sa school, pagbaba namin ng bus, sa may overpass paakyat, napansin namin ng may mga ngt-table tennis sa stage sa barangay hall, astig, ganda ng table. Bago pa. e sakto may dala si vanie na gamit, ako wala, haha. Baba agad kami patakbo sa stage ng barangay hall, tapos nagtanong kami kung pwede maglaro, ayun, pinalaro naman kami. May nagche-chess pa nga e. Saya talaga. Wantusawa. Inubos nalang namin oras namin dun, at yun, nang mapagod, nagpaalam na si vanie. At ako, umuwi na ko. saktong buhay. ^_^ exciting. The end. J

*yung mga names pala sa kwento na to, binago ko, di totoong names yan nung mga friends ko, for protection.