THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Sunday, July 10, 2011

post-grad

Whew. Nasabi ko na bang naka-graduate na ko? yep. Im done with school. Too cool for that damn place. Pero, ang totoo, nami-miss ko pala mag-aral. Parang gusto kong bumalik. Wala lang, gusto ko lang bumalik. Kasi, no pressure (in terms of money), no expectation (in terms of money ulti), no……. no need to work hard(yeah, got it, because of money!). tsaka, mas kumikita ako noon nung nagaaral ako kahit wala naman akng trabaho. Weird. Ngayon, ahm… wala pa ring akong trabaho. J april pa ko grumadweyt, pero after nun, di ako naghanap ng work…… umuwi ako samin, sa province ^_^ namiss ko din kasi yung tahimik, fresh air, makulimlim, maagang pagtulong, dagat, bukid, mga batang kahit di mo kilala kamag-anak mo pala……. Namiss ko bumalik…. Anyway, wala akong balak ikwento yung karanasan ko dun, not now… just wanna share my experience about something else, recently lang. ayun nga, sa province siguro tumagal din ako, sabi ko pa nga noon (bago ako magtapos) “God, makapag tapos lang po ako, magsasacrifice po ako, tuturuan ko po ang mga katutubo sa probinsya namin, voluntarily, kahit walang sweldo”… tapos yun, ilang lingo palang ako samin, sa lugar palang namin ah, sa bayan namin, wala pa sa bundok, di ko na nakaya, gusto ko na kagad bumalik dito sa maynila. He he he. Namiss ko agad yung mga usok ng sasakyan, yung magulong buhay, yung madaming tao, nagsisiksikan… gusto ko pa rin makisiksik. Kaya yun nga, bumlik din ako… nakapagtapos ako, pero yung panata ko di ko pa natupad. Ang sama ko talaga, dami ko ng atraso kay Bro. grabe, sana maintindihan nya ko. anyway highway, pagdating ko dito, nagulat si mama. Ayun, sa pagkagulat nya, pinatrabaho nya nalang ako. maghanap na daw ako ng work. Kaso, dahil anak ako, panganay pa, ng katamaran, ayaw ko magtrabaho. Sabi ko, sasamantalahin ko muna tong mahabang bakasyon. Ayaw ko pa talaga. Ang dami ko ngang dahilan kay mama e. kesyo wala pa kong T.O.R (na totoo naman—kasi 45 years magrelease ng TOR yung school ko, pasensya), na gusto ko muna pagpalusog ng katawan, na di ko pa kaya, na gusto ko muna magpakundisyon, plus drama ng konti…. Ayun, nakumbinsi ko naman sya…… pero minsan pinaparinggan pa rin nya ako. until……… dumating ang isang pangyayaring nagbago ng lahat (hindi ako, ng lahat)… na-stroke si papa. It sounds straight, voiceless, pero, nagulat ako sa pag-type nun ah. Stroke. Wew. nakakatakot. Nakakakaba. Akala ko nung una, simpleng karamdaman lang, kasi dati na-stroke na si papa, dinala sya sa ospital, pero, kampante ang lahat, bata pa ko noon, kaya di ko gaanong naintindihan, at inintindi. Ngayon, nabalitaan ni mama na may sakit si papa, si papa kasi kahit matanda na dapat sa edad nya, retired na sya, e nagttrabaho pa din sya kasi walang susuporta sa pagaaral ko (oo ako, ako na ang may kasalanan, pasenya ulit)… wag kayong magalala, sinisi ko na ang sarili ko. pati nga yung mayari ng company na pinagttrabahuhan ni papa nasisi na ko e, anyway, yun na nga…… nagtrabaho pa din sya, pagkakataon nga naman, ang tadhana talaga mapagbiro. Pinagtapos lang ako… ayun, siningail na nya ang pamilya…….. inatake na pala si papa. Nalaman ko lang ng di sinasabi sken….. si mama, pumunta sa barko (seaman nga pala father ko)…. Tapos yun. Si papa nasa hospital bed na pala sa isang hospital sa –isang probinsya---- dumating mga kapatid ko, ililipat na daw si papa sa hospital dito sa manila, ayun, yun ate ko, yung sinundan kong ate, tumawag na, umiiyak….. teka……….. BUHAY pa papa ko ha. Easy lang. kaso, di na daw makapagsalita, at makapaglakad………. Nakakatakot, nakakaawa ang father ko, kahit di kami close, naappreciate ko naman ang mga paghihirap nila ni mama para saken. Infairness. Pero, ayaw ko na magdrama, ayoko na actually magkwento tungkol dun, kaya let’s leave it behind.  Yun na nga, (interruption---lovi poe at Jessica soho’s show).. back….. saan na nga ba ko… ayun, dahil nga dun sa mga nangyari, syempre maapektuhan ako nun. At dahil nandito na mga kapatid ko, ayoko na nga magkwento badtrip…………. :/ 

0 comments: