THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Monday, November 29, 2010

text messages..

Sunday.

Badtrip ang araw na to, ang damot ng nanay ko sa cellphone. Sa pagkainis ko, sinabi kong titigil ako sa pag-OJT. Na balak ko talagang totohanin pabor din yun saken kasi ayoko nga mag-ojt e.

Sa pagkainis ko, nagtext nalang din ako ng nagtext, tapos, napadaan ako sa inboxes ko sa smart tools, may inbox2&3 pala ang networl na gamit ko. Wow. Ngayon ko lang naaalala. Edi bihuksan ko agad and inbox2 para ma-check ang laman. Hahahaha, aba ang daming lamang messages. Nakakatawa. :D ang kokorni ng laman, garbe, garbe yung nagtext nun saken, ganun pala sya ka-corni dati, siguro hanggang ngayon kasi less than 2years palang naman yung mga messages dun e. (bale, mag2years ko ng sim ang sim ko ngayon) wow. Sa tuwa ko, gusto ko i-share ang mga text nya, whahahaha……… tulad neto.

“isa png ris0n
..feelng qu nffall
aqu xau further .. at
nggng unfaithful
aqu ..n2wa k nmen
?haha ..ngcc nga qu
nun .xka my promise
aqu db .d aqu bbtaw”
From: 0917*******
08:45pm 20-APR-09

XD wahaha…. Ganun?... ano ba topic namin nun? bakit parang kabit ata karakter ko dyan??? Haha shocks…

Eto pa,

“mx mbuti xguro n
wak n tau mgtxt
..icpn mu nln d aqu
ngexist s buhay mu
..mx ok un pwa
xteng 2 ..npgicpan
qu n=’) ..bye ,last
txt ..kipsafe .”
From: +630928*******
03:36pm 16-APR-09

Yan ata yung text ni _ _ _ nung nalaman nyang may bago na ko…. Drama eh. Errr.. :/ haha pis!

Eto talaga malupit, pampapahaba ng hair…

“damn ,I love you so
much ..pwo anu gxto
mung gwn qu ?qun
nkkta qun my iba kn
?alm mu b pwang
dnudur0g puso q
nung nkta qung
mgkh0lding hands
kau ?anu gxto mu mrmdmn qu
?hanggang naun
nkahang aqu sau (name ko)
,anu ggwn qu ?alm
qu mali aqu ,unfair p
kxe my bf aqu ,,haist
,damn me .
From: 0928*******
09:52pm 07-APR-09

Wiiiii.. haha garbe, hirap i-type! Natatawa ko habang binabasa ko. Haha. Takte. Puge e. ahahaha. Chos.

Madami pa syang text e, nakakatawa na tsaka mushy na para basahin ko pa ulit, nakakapanindig balahibo kaya move on, hahaha.. pero may isa pang text dito na di galing kay _ _ _. Weird, di ko alam o di ako sure kung kanino galing.

“,bAti na tay0 hah..
Anu gawa mU! Bukas
til wat tym ka.”
From: +63928360****
07:25pm 28-JAN-09

Sooo….. mga 2009 pala ko nanggago ng mga buhay… hahahaXD joke lang. tsk. Nalilito na ko. Haha..

Eto pa,

“,humh… Hnd ko
magHahanap n0h!
Cge bsta pagbAlik
Ko dapat single ka
Din. Hehe”
From: +63928360****
07:08pm 28-JAN-09

Whew. Ang gulo. :D hehe. Garbe, di ko na sila kayang basahin ngayon, par akong nakokonsensya na ewan. Parang ayoko ng ganung nangyari. Haha. Sige na, kelangan ko pa magrecover, naghina ata ako. tsaka badtrip pa din ako til now. Args…. Signing off.

OJT days..

OJT days..

Nagsimula na last week OJT ko, sa wakas, after 45 years….. Tuesday na ko nagstart for some reason. Sa loob ng apat na araw, hay… apat na araw palang, dama ko na ang pagod at puyat. at katamaran syempre. Mahirap pala magtrabaho pag walang sweldo. Hayyy….. pero mas mahirap naman na di grumadweyt kaya ok na yun. Hehe.

Sa layo ng Marikina, Kahit sino siguro tatamarin (comm. QC to Marikina).. minsan pa traffic, minsan lalampas, minsan ang daming hinto ng driver, minsan pa ibababa ka ng napakalayo sa overpass, minsan nagagalit pa pag sinabi mong estudyante ka (may discount kasi), minsan … hay madaming minsan… speaking of minsan, may isang sitwasyon o nangyari sa isang jeep na hanggang ngayon di ko malimutan, amh, di ko alam kung mababaw lang ba ang luha ko o sadyang nakakaantig lang talaga ang nangyari sa jeep na yun. Araw na Friday, pauwi na ko, nag-undertime ako sa work dahil report namin sa class, mga 3pm palang nun. sakay naman ako sa jeep agad, tapos, along concepcion ata may sumakay na matanda, siguro if im not mistaken mga late 70’s na ang edad ni nanay, or siguro mas bata pa, pinatanda lang sya ng suot nyang damit at problema sa buhay (mukhang malaki ang problema nya sa tingin ko), tipong pagod, at di alam ang pupuntahan, nasa pinaka-unahan at pinaka-gilid sya ng jeep.. habang padami ng padami ang sumasakay, pasikip din ng pasikip sa loob, sa haba ng byahe, Kahit ata ano maiisip mo. Sa pagkakataong yung, napatitig ako sa matanda, tapos parang kinurot ang puso ko sa mga ideyang pumasok sa isip ko, sa kanya lang ako nakatingin, tapos, naisip ko si mama. Sa edad kasi ni mama, maaaring di sila nagkakalayo ng edad, naisip ko rin ang mga resemblance nila sa isat isa, mga bagay na di ko maintindihan.. napapaiyak na ko mga oras na yun, pag kasi si mama ang naiisip ko, di ko maiwasang mapaiyak, ganun kagrabe ang love ko for my mom. Naisip ko, kung si mama yun, di ko sya hahayaanng bumyahe ng mag-isa(pero madalas di ko talaga sya kasabay bumyahe, ironic nu?), naisip ko rin, sana balang araw, di na sasakay si mama sa jeep, sa isang magarang sasakyan na, ang mga matatanda kasi para saken, dapat di na pinagbbyahe, dapat nagpapahinga nglang, kung pwede pa nga, di na sila dapat naninirahan sa maynila, mausok, mabaho, magulo, masikip, walang nature, walang puno, walang malinis na hagin. Naawa ako bigla sa matanda, naisip ko, saan kaya ang pamilya nya? Bakit kaya magisa sya?. Hay… naluluha na ko, Pero syempre, alangan namang magdrama ako sa jeep, edi magmukha akong iniwanan ng jowa naman nun. Kaya todo iwas ako sa mga taong tingin ng tingin saken, at kunwari nagpupunas lang ng pawis. Mga ilang minuto din, nagawa kong alisin ang matanda sa isip ko, tumingin nalang ako sa mga kasabay naming jeep at mga tao. Pero nung makarating na kami sa gitna ng tulay ng san mateo, biglang nagsalita ang konduktor ng jeep, ‘ay nay naman, lampas na ho yun, dun pa sa may unahan’.. tapos nagsalita yung matanda na halos isang palad lang ang layo sa konduktor na nasa tabi ng driver, ‘hala hijo paano yan, ang init pa naman.wala na akong pera.’ Sumagot agad yung konduktor, ‘ayan ho o, lakarin nyo nalang, di ho kasi kayo nagsasabing di nyo pala alam ang bababaan nyo e’… tumayo ang matanda ng walang pagaalinlangan, wala sinabi, malungkot at halatang nadismaya sa ideyang lalakarin nya pabalik ang lugar na sana’y binabaan na nya kanina. Muli nanaman akong naawa sa nanay na yun, at nainis sa konduktor. Nabadtrip ako, bakit kasi ganun, bakit kelangan nya pang paglakarin yung matanda, dapat pasakayin nalang nya sa ibang sasakyan pabalik, konting awa at pakonswelo lang. pero naisip ko rin, sabagay, di nya rin naman kasalanan, trabaho yun tsaka marami pang pasaherong naghihintay at nagmamadali. Sa awa ko, parang gusto kong habulin yun mtanda o kaya, bigyan manlang ng payong. Kaso, wala akong dalang payong ng mga oras na yun e. sayang. Wala akong nagawa. Tulad ng driver at konduktor, wala akong kayang gawin. Kaya di ko rin sila masisisi. Hayyy……

Wednesday, November 17, 2010

blogging.

Best match lakatan and bearbrand!

Hating-gabi…………. Dahil nakabili na ko ng mouse pad at mouse, sinusulit ko ang paggamit neto ngayon…… gusto kong masira asap, para naman mapakinabangan ko yung 1month warranty nila…… kesa naman masira ko after a month di ba? (sabi ni blog-tsung, ‘taba na brain-tsung mo teh!)… ansaya talaga!... teka, ano na nga ba sasabihin ko….. hmmmmm….. zzzz….. ayun…. About sa (shit, di ako nakainum ng memo-plus! Nalimutan ko yung topic ko! Swear no joke!)…..

After 5mins, brain blast!
About pala yun sa blog!... the blog, and blogging itself…..
May nagtanong sken, sino-sino daw ba ang mga taong nagb-blog… in other words, may iisang dinstinct character ba ang mga blogger na iba sa karaniwan o sa mga ‘di mahilig sa pagbblog o pagsusulat’?..... ang sagot ko naman, oo, may pagkakaiba…. Siguro, ang talento sa pagsulat, sa paglikha, yung passion ba…… yung tinatawag na ability, yung field na pwede kang mag- excel…… yung tipong ganun….. pero, yung mga may talent lang ba pwede mag-blog?... pano ako?.. oo ako, sa pagkakaalam ko, wala naman akong galing sa ganitong bagay, siguro kasi trip ko, wala akong magawa, o makausap. Sabi ko pa nga minsan, wala, gusto ko lang magsanay mag-type… yun…. Then I realize one thing, iba pala yung kakayahan sa kagustuhan mo lang gawin….. may mga bagay kasi na gusto mong gawin, tulad ng sikat na kasabihang, ‘gusto ko ang pagkanta pero ang kanta ayaw saken’.. mga ganung bagay… gusto mo, pero di ka para dun, di yun yung para at dapat sayo………. Pero may ibang bagay din naman na napipilit… tulad din ng pagkanta, napagaaralan…. Pagbuhusan mo lang ng panahon, practice practice lang yan,,,, tingnan mo si Jericho at piolo db…. Si carlos Agassi nga naging rapper pa….. ewan ko lang kay Bernard at diether….. pero ayun nga…… balik tayo sa pagbblog…… o sa kagustuhan vs talent….. tulad ng ginagawa ko ngayon, trip ko man o hindi, kung gusto kong gawin, pwede kong gawin… di ko nga lang alam kung gagaling ako sa bandang huli…..
Kaya sa pananaw ko, ang pagbblog, ang pagsusulat, wala sukatan yan, basta gusto mo, Kahit madalas mas mabilis bumuo ng sanaysay ang utak mo kesa sa mga daliri mo, Kahit nagkakabungguan na ang mga salitang pinagsususulat at pinagt-type mo, Kahit wala na sa shape ang kwento mo, kung gusto mong ilabas kung anong nasa damdamin mo, may talent ka man o wala, pwede kang mag-blog. Di por que blogger, yun na yung mga tipo ng tao na walang kaibigan, walang maka-kwentuhan, mga virtual creature sa likod ng ibang katauhan, mga alien, o mga tahimik na nilalang.. di ganun yun.. although may mga ganun, siguro pa nga madaming ganun… pero wag lahatin… di yun ang sukatan at analization dun. Kasi, ako, yung kakilala ko, yung kaibigan ng kakilala ko, yung kapitbahay namin, si bru, si jose, at kung sino sino pa, di sila ganun e… mga wild, friendly, at talkative mga yan e……………. pera este pero san ka, BLOG kung BLOG…. Kaya para sken, sino ka man, ano Kaman, saging ka man o isang isda, basta marunong ka magsulat, mag-spelling, you may, you can, and take note, you should, you must, ROCK ON!!! \m/

vendors kayo jan..... mura lang....

Kakauwi lang namin. From SM again. Megamall naman ngayon. Pero di ko na ikkwento mga ginawa ko dun. The usual lang naman kasi. Ang ikkwento ko e ang naexperience ko paguwi. Na-feel to be specific. As usual, nag-bus lang kami, ala kami pan-taxi kasi inubos namin pera namin ni mama sa pagbili ng kung ano-ano……… pagbaba ko sa bus, ang dilim ng paligid, parang di yung karaniwang liwanang ng QC ang makikita mo…. Nakakapanibago(or it’s just me?)….. brownout ata…… pag-akyat ko sa overpass, madilim pa rin, pero ang pinagkaiba, may mga kumukuti-kutitap sa paligid. Ilaw. Ilaw ng mga kandila. Natakot ako, kasi ang dilim ng paligid tapos may kandila, naisip ko kaagad yung dad ng classmate ko na kamamatay lang last Friday……… baka mamaya katabi mo na, este katabi ko na. pero nang mejo naka-adjust na ang iris ng mata ko sa dilim at liwanag(iris nga ba? Correct me if im wrong), napansin ko ang mga tao, ang buhay sa overpass sa lugar namin. Tama, ang mga vendors at ang kanilang mga tinda na sinusuportahan lamang ng mga kandilang pilit lumalaban sa malakas na ihip ng hangin, na anumang oras e pwedeng mamatay at anomang oras e pwedeng pwede ka ring dumekwat ng mga paninda ng di nila napapansin.oo, Illegal vendors. Mga kaaway ng mmda (at friends na rin ng mga ‘protector’)… ang tawag ko sa kanila, bwisit ng tulay, pampasikip sa daan, mga dakilang hassle sa buhay ko. Lalo na syempre pag dumadaan ako dun. Minsan, sa bahay pa lang ako, at maiisip kong dadaan nanaman ako sa overpass na yun, parang gusto ko atang magkapakpak….. hay…. Pero ng mga oras na yun, iba ang naramdaman ko, biglang nagiba ang pananaw ko sa buhay, di naman……… buhay naman agad… pero parang ganun. Yung bad perception ko about them ang nagbago. Napalitan na ng awa, ng pakikiramay, at higit sa lahat, ng paghanga. Awa sa kalagayang pilit man nilang takasan, e di naman nila kayang iwasan. Ang buhay, illegal man sa mata ng publiko at gobyerno, ay ang tanging paraang alam nila upang itaguyod ang kani-kanilang pamilya. Awa na sa halip tulungan e hinuhusgahan. Awa na sa palagay ko’y di pa sapat na dahilan upang hayaan silang ipagpatuloy ang kanilang ikinabubuhay. At oo, pakikiramay, pakikiramay sa kahirapang kanilang kinasasadlakan, buhay na isinusuka ng maraming mayayamang nilalang, kahirapan. Isang salitang ayaw kong maging parte ng buhay ko, pero mundong alam kong tinatakasan ko rin. Kahirapang gaya ng mga tulad nila, ay isang bagay na pinagkukunan ko ng lakas at inspirasyon. Echos. Pero ttoo yan. Kahirapan na gusto kong isisi sa kung sino pero di ko alam kung kanino. Pakikiramay na sana, Kahit isang minuto ay maramdaman nating lahat, di lamang sa mga katulad nilang vendors, kundi sa mga katulad nilang pilit lumalaban sa marahas na mundong di ko alam kung sino ang namumuno. At ang huli, ang paghanga. Paghanga sa mga gaya nilang ano man ang mangyari, sumugod man si bayani e tuloy pa rin ang awit ng buhay…… Kahit 10, 20, 30, o 100 times pa silang magpabalik-balik sa pagtakbo, pagtago, pagpapahabol, paglaban, pagkubli, pakikiusap, pagkapa sa madilim na paligid, pagbuwis buhay at puhunan, minsan Kahit ng katarungan at pagkamakatao, o kung ano mang paraan ang kanilang pwedeng gawin, wag lang sila putulan ng ikinabubuhay e walang sawa nilang gagawin at ginagawa dahil sa kalam ng sikmura. Para-paraan…. Kahit kung minsan, tabla tabla lang, kasi pag naabutan sila ng mga mmda(maintenance ng protectors), e wasak wasak mga paninda nila, syempre sino mgababayad nun, silang mga vendors di ba. Hayyy…… naisip ko lang, may yumaman na ba sa tulay?.... hmm…. Meron siguro. Iilan. Pero yumaman ma’t sa hindi, nakakaawa man sila, humahanga man ako at nakikiramay sa buhay nila, ang tama ay tama, ang mali ay mali, ang batas ay batas. Dapat itong sundin sa ikaaayos ng Pilipinas. Pero sa bagay, may kasabihan tayo, ‘know the rules, and break some’… woooo!!!

my mom?


Wala kong magawa at nagawa sa araw na ‘to. In short, wala.  dapat kasi magsstart na ko sa OJT ko, unfortunately, dahil sa iilang mga kadahilanan, next week pa daw ako makakapagsimula. Nakakainis, pero ok lang. nakakatamad din naman kasi mag-OJT sa sobrang layo ng Marikina at take note, walang allowance. But that’s another issue, wala naman akong reklamo dun. Although, kayang kaya ko naman kumuha o maghanap ng pago-ojt-han na may bayad, ok na rin ako (weh?) sa pago-ojt-han ko. Si mama kasi e! haha…….. speaking of…… my mom. My mader, my Ina, my nanay, my mudra. Pero ang tawag ko sa kanya, mama, o pag pinapaikli ko, ‘mi’…. yan, pag may iuutos este pag may favor ako sa kanya.  at dahil wala naman akong ma-post, at dahil na rin sa napapansin kong netong mga nakaraang araw e natututo na si mama sa mga bagay na karaniwang kaming mga kabataan(oo bata pa ko sa aspeto ng edad) lang ang nakakaalam, at napapansin ko ring napapadalas na rin and pang-ookray nya saken, e bibigyan ko sya ngayon ng matinding recognition dito sa blog-tsung ko. Pero di ko idedescribe si mama dito, magkaka-uban tayo nyan pag ganun. Hehehe. Kaya ko napaisip ‘i-subject’ sya ngayon, kasi naalala ko lang yung iilang mga di ko malilimutang conversation namin na kung di man nakakatayong-balahibo nakakatawa, e mapapa-tumbling ka sa gulat, kasi naman, 60 na si mama, marunong pa bumanat. Tulad neto,

Habang magkatabi kaming nanonood ng tv-patrol…
Ako: ma, ambaho mo na (trip ko lang sya biruin)….
Ma: wag kang magsalita……… (sabay tawa)….

Garbe….. muntik nya na kong trashtokin di ba?....... marunong pala sya magfliptop. Hehe.
Meron pa……..

Minsan, galing kami SM, dahil balak ni mama bumili ng bag, dumadaan kami sa mga bag-store, Kahit saan lang. tapos napadaan kami sa isang store, jansport ata mga brand dun. Tapos sa pagiikot ni mama, may nagustuhan syang shoulder bag, syempre tingin sa price after, tapos bigla nya kong tinawag, sabi nya,

Mama: lika nga dito, tingnan mo tong presyo, di ko Makita……
(pagkatingin ko, my gawd, 8k dung, P8,000.00……………)
Ako: ma, kaloka, 8thou….
Mama: patingin nga *tingin ng pagkalapit-lapit*.. sus, 800 lang e!
Ako: naku naman, 8 thousand nga…… believe me *sabay iniwan ko sya*..
(tapos tinawag nya yung nagbabantay)
Mama: tingnan nyo nga ho to hijo, magkano ba?
Kuyang pogi: ahhhh…. 8 thousand pesos po mam blah blah blah……..
Mama: ha?? *napataas pitch boy*….. 8 thousand talaga?.... san ba gawa yan? Sa balat ng Diyos?
Kuyang pogi: *tameme*

Haha, loko…… pero yung mga bag ng rich celebreties sa TV di nya pansin….. wala lang sa kanya Kahit half million na yung price….. sabi nya di naman daw maganda…. LOL……. Nakakaawa ako, gusto ko syang iwanan nun… hehe……..

At eto pa,

Galing akong comp.shop, at dahil karaniwan namang nasa bahay lang ako, e (secret lang natin to ah) di ako naliligo……. Pag sa bahay lang naman ako maghapon…. Tsaka pag tinatamad talaga ko. E tinamad ako nung araw na yun…….. kaya kahit galing akong shop e ok lang….. pagdating ko sa bahay…..

Mama: hoy, bata ka, buti pa yang isda at pusa mo laging naliligo!
Maligo ka nga!! Wag kang tatabi-tabi sken mamaya!

…. Ampota, ISDA ang standard tsong!! Tumbling!

At eto malupit…….. araw ng holiday. Before that day, niyaya ko si mama mag-SM, bonding lang, di kasi namin madalas gawin sa labas ang pag-unwind e. e swerte, may pera ata si mamush, pumayag….. edi ako naman, cancel lahat ng meeting, ready-ready na….. tapos kinabukasan, ang aga ko nagising, excited e…. pagkagising ko, aba, wala si mama….. naghintay ako.. mga lunch na, tsaka sya dumating. Badtrip na badtrip ako. si mader, madaming dalang groceries galing sa palengke. Naaamoy kong di na kami matutuloy…..

Ako: ma! Ano yan? Kala ko mage-esem tayo?
Mama: ay, wag nalang. Bilhan nalang kita pernsFries?………

Shoot!!! Lufet no?... ang supposedly whole day bonding namin, PERNSFRIES lang ang kapalit. Tsong FRIES! FRIES!,, di pa Jollibee o mcdo yan, jan lang yan sa tabi-tabi…… hahahahaha tumbling ulit…….

Ako: ano ba yan! Ok na kahapon e. kala ko tuloy na tayo…
Mama: ayaw mo?
Ako: sige na nga…… ^_^

Babaw ko nu?..... tulog tayo.. haha…..

And lastly, eto pa…… kani-kanina lang…………..
Kakagising ko lang at nakikipag-laro ako kay kiwi(alagang pusa namin) habang si mama e narinig kong kumanta out of nowhere…

Mama: “may pansit, may pansit sa ilalim ng tulay….. lalalalalalala”
Ako: ma, pulis…….
Mama: ah, “may pansit may pansit…. *tigil for 3 seconds* … ang pulis”
Ako: ma, korni. :/
mama: *tuloy sa soundtrip*…

buti nalang walang ibang nakakarinig sa kanya… hay…… bat nya kaya kinanta yun? Wew.

iilan lang yan sa mga naaalala ko e. yung iba mas malupit pa talaga dyan, yung tipong overtime ka sa kakatawa at kakaisip kung may iko-korni pa ba yun……. Pero syempre, di mo naman maaapreciate yan ng kasintindi ng appreciation ko kasi di mo naman sya mama. Haha……. Basta, si mama, da best yan, Kahit lagi kaming nagaaway. Kahit anong mangyari, she’s the best for me. Galit man ako bukas o mamaya, di ko yan babawiin. Sabi ko nga, “my mom?... she doesn’t know everything, but she does everything for us” ^_^ love you ma!

ang dakilang OJT... bow...

ANG OJT.. bow…

Isang sem nalang! Isang sem nalang!!!!! Sana!.... sana wala ng palya to…. :) tuloy tuloy na…… ang sarap sa pakiramdam ng maka-enroll, yung last enrollment….. yung tipong may assurance na kasabay mo ang mga classmates mong gagradweyt!.. makakapag-suot ng toga, may diploma, sa tamang oras, sa dapat na panahon, at ang pinaka da best-tesssst feeling sa lahat, DI AKO MAPAPAHIYA AT BUBUGBUGIN NG MGA MAGULANG KO! YAHOOOOOOO!!! Dot com!.. :D Kahit sanay akong ma-late, dito di pwede…….. kelangan on time. Sakto lang, di maaga, di huli! :) muntik na talagang makompleto ang aking abot langit na kasiyahan kundi lang sa isang nakakainis na bagay….. ang OJT!!! Siguro nga para balance, may konting pakaba… pag wala kang pagoo-j-t-han, di ka tutungtong sa entablado ng pagtatapos…… pag walang ojt, tapos na…….. walang excuse to….. at sa dinami-dami ng pwedeng mangyari, bakit naman sa ojt pa ko minamalas… talaga naman o…. ang totoo nyan, may pagoo-j-t-han naman na ko, kaso bukod sa malayo (Marikina, dito ko sa qc), joskow, walang allowance! Diyos na mahabaging langit, di naman sa pagiinarte, pero sino bang ayaw ng bayad db? Kung kakayahan at kakayahan din lang naman, di sa pagyayabang e Kahit anong kompanya naman mapapakinabangan ako…….. kung ganun din naman, sana Kahit pakonswelo may konting bonus db?.. e kaso wala e….. pasok na pasok ang plano. Shoot… dun talaga ko, whether I like it not…. Hehe…… pero ooppps, may option pa pala ko…. Pag nakakita ako ng promising company na pwede kong gantsuhin, malapit at may ojt-allowance, sige daw sabi ni mama, mas ok nga naman yun db?........ ang kaso eto ang siste, ANG HIRAP MAGHANAP NG INTERSHIP!!! Lalo na kung walang backer…… lalo na kung di ka naman taga dito, at lalo na kung mas competent ang mga kasabay mo….. mas malala pa kung walang tumatanggap miski resume mo…. Awts….. aalis ka ng 8am, babalik ka senyo ng 9pm.. pagod pero walang nangyari.. daig ko pa ang nagttrabaho na talaga….. yun lang sila kumikita, ako, pinagkakakitaan…….. ng mga jeep at food chain………. Habang tumatagal, mas lalo kang kinakabahan.. lalo na kung tuwing log in mo sa facebook chat, ang tanong sayo ng classmate mo, mapa-net, mapa-text, “may ojt ka na?”…… joskow talaga…. Nakakakaba…. Kahit di naman ako apektado, feeling ko nappressure na rin ako, lalong lalo na pag naririnig mo mga kasama mo nagkkwentuhan tungkol sa ojt nila, ay gaaarbe talaga, kakasuya……. Mapapabuntung-hininga ka nalang nga… *sigh*…..



PUP-0ut

Naalala ko lang ang isang post ko ( sa friendster pa to) na matagal ng nabaon sa limot………. About ito sa mga aktibista(taga-PUP) na nanira at nanunog ng mga upuan at ilang sirang kagamitan ng eskwelahan upang huwag ituloy ng admin ang pagpapatupad ng tuition fee increase………… sikat kasi ang PUP nun. Parang mga leon na nakawala sa hawla… ang drama pa…. kaya sa FB, naging tampulan ito ng debate, at isa ako sa mga nakipag-debate. Pero unfortunately, di ko ito nagawang mai-post dun, kaya sa friendster ko lang itinago…..  kaya ngayon, re-post nalang……
“Wow ah! Nagsunog at nanira kayo ng gamit ng eskwelahan, what do you expect from us(contrast)? To just shut up??? That’s stupid. Except for the fact that we are Filipinos, we—as students- are atleast inclined to react to what’s happening around us, lalo na kung salungat yun sa alam nating tama, sa itinuro sating tama, at sa kinalakihan nating tama!... you couldn’t just say that you were left with no choice, that’s a poor excuse of a low-spirited, misguided and uneducated person then. Hindi ko alam kung anong pinaglalaban nyo, kung ang kapakanan ba talaga ng mga estudyante, o ang pride lang ng mga aktibistang di matanggap na maraming sumasalungat sa kanilang ginawa. Ang punto lang kasi sa side namin, parang sa pamilya yan e, hindi kasi sapat na intindihin lang ng mga magulang ang anak nila pag may ginawa itong mali, kadalasan at mas nakakabuti sa anak ang pagpapakita ng magulang natin ng di pagsang-ayon sa aksyon ng kanilang anak at kadalasan sa paraang galit para sa susunod, di na yun gagawin ng mga anak nila. Sa kalagayan kasi ng mga aktibista –o PUPians--, may tendency pa kasi na maulit ang mga nangyari kung patuloy nating kukumbinsihin ang isa’t isa na PWEDE na nilang gawin ang bagay na yun dahil MAGANDA naman ang intensyon… paulit-ulit, pabalik-balik… hanggang wala ng matira, hanggang grumabe nalang. Di kasi nadadaan sa pananakot yan e….. walang umunlad sa pananakot… walang magandang nadudulot yan, at sa pananaw ko, ang aksyong yun ng kapwa natin estudyante e pananakot… pananakot sa administrasyon na kapag nagtangka ulit silang gumawa ng mga bagay na AYAW ng mga aktibista (para nanaman sa kapakanan kuno ng mga estudyante) e walang pakundangan nanaman nilang gagawin ang mga ginawa nila noon. Ang masaklap pa nito, pano kung wala ng silang masisirang kagamitan, anong sunod?... buhay naman?... nagtatanong lang…….. sa parehong paraan ng pagtatanong nyo ng “anong bang ibang paraan?”……. hindi ko inaalis ang karapatang ipagtanggol nyo ang sarili nyo, ang paniniwala nyo o ang karapatan nyo bilang estudyante, pero ang ipagtanggol ang isang gawaing alam natin pareho na mali, sa palagay ko, wala na kayo sa katwiran, wala na hulma ng pagiging matinong estudyante yan. Isang malaking kalokohan…… and lastly, argument lang.. nagaral naman tayo ng accountancy, where both debit and credit must be balance, nagaral din naman tayo ng algebra, where both side must be equal, but then, how could it be possible that the intension is RIGHT while the action(as you have admitted) is WRONG for a reason that you were left with no choice?... it that logical?... if the intention is the measure for rendering actions true, then, where intention is sound, action is sound, and where it is corrupt then action is corrupt. as matthew prior said, “The end must justify the means.” Just because you were left with no damn choice doesn’t give you the right to do what is not justifiable and probably, illegal.