THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Wednesday, August 25, 2010

Nalulungkot ako.  di ko alam kung bakit o siguro mas tamang sabihing ayaw kong malaman kung bakit. Ayaw kong mag-isip…… ayaw kong isipin baka kasi may problema. O siguro rin, nangyayari talaga ang ganitong bagay sa kahit sino, yung tipong wala lang, malungkot ka lang at di mo alam kung bakit. Nakakainis ‘pag ganun, yung para bang ikaw nalang ang nag-iisang walang kamuwangmuwang sa nangyayari na kung minsan, ang masaklap pa nito, alam na ng lahat maliban sa’yo.. Nakakabadtrip na ewan. Pero ngayon, sa mga oras na ‘to, it’s just a plain feeling of being sad, no one knows why, not even myself. And that’s making me feel even worse about the situation. Malungkot lang ako. period. At the back of my mind, iniisip ko kung ba’t kelangan ko pa i-blog ultimo ang simpleng pakiramdam na ‘to, then, at a second thought, why not? Who knows, this might help me di’ba?... o kung hindi man, atleast makagaan sa mood ko. O pwede sa pinakamababaw na dahilan, na trip ko lang i-type ‘to, pampatulog, pampabilis ng pag-type, o kung ano man. Bahala na, sana, siguro, bukas, tulad ng kantang pinapatugtog ko ngayon, the sun is(will be) hot in the sky, like a giant spotlight………. And I’ll enjoy The show……  whew. Drama ko. T.H…. pero ok na ‘to, nalilimutan kong malungkot ako,, iba talaga ang nagagawa ng music sa tao, especially sa mga Filipino. Haist. Panu ba yan, tulad lang ng pagsasalita ng English, naubusan na ko ng pwedeng sabihin. Ng magandang sabihin. ‘til next time. Goodluck…… (np: sayang by PNE)

thankful.

Thankful, Grateful, Blessed, Lucky, Loved. Siguro yan yung mga salita na lagi kong nakakalimutan sa araw-araw na ibinibigay saken ng Diyos. Naniniwala kasi ako sa karma, kaya hangga’t maaari, ayaw kong maging Masaya, o ipakitang Masaya ako, baka kasi bawiin sa ibang araw, baka di ko magustuhan ang kapalit ng mga ngiting yun. Siguro, paranoid lang ako, pero ganun talaga e. ayaw ko ng kamalasan, ayaw ko ng mabigat na challenges. Tamad?...

THANKFUL.
Sa text tenkpul. ^_^ … thankful ako kasi kompleto pa parte ng katawan ko-pero nasan ang puso ko?-(takot kasi akong mapilay, ma-paralyze o mabulag, uy yung puso ko!).. takot ako maging handicapped. Maging pabigat. Thankful ako kasi buhay at malakas pa si mama. Thankful ako kasi nakakapagtrabaho pa si papa. Thankful ako kasi religious at mabuti ang pamilyang meron ako(yun nga lang problema din yun pag sumusobra paminsan). Mapagmahal, masayahin, positive, at united. Thankful ako kasi ligtas ang mga kapatid ko Kahit malayo kami sa isa’t isa. Thankful ako kasi may pamilya ako. na matatakbuhan ko anumang oras ko kailanganin(nax). Thankful ako kasi nandyan sila at sumusuporta. Thankful ako kasi nakakapag-aral ako, nakakapag-basa ng maayos, nakakapag-computer, nakakapag-table tennis. Thankful ako kasi marami akong kaibigan, marami akong nakilalang mga mabubuti, mababait, Masaya, mapagbigay, matulungin, matalino at masarap kasamang mga kakilala. Thankful ako kasi may baon ako araw-araw, may nakakain ako pag gutom ako at thankful ako dahil wala akong anumang malubhang sakit. Thankful ako kasi nakakatulog ako anumang oras ko gustuhin, mahimbing at maayos na pagtulog, thankful ako kasi nagigising ako anumang oras, nakakapanood ng tV, nakakapakinig sa music. Thankful ako kasi may gitara ako, may laptop, may naiinum na malamig na tubig, may electricfan, may phone at paminsan-minsan may load(sorry medyo mayabng sa parteng yun). Thankful ako kasi natututo ako araw-araw na mga bagong pamamaraan bilang estudyante. Thankful ako kasi wala akong kaaway, walang kagalit o kaalitan(last last week meron, haha). Thankful ako sa buhay na meron ako, at sa mga buhay na darating pa. marami akong dapat ipagpasalamat, na di ko naman laging naiisip. Isinasantabi ko lang. siguro, kung magdadasal ako araw-araw, dadami ng dadami ang ipagpapasalamat ko. Siguro. Kung tutuusin, kulang ang buong papel upang maibahagi ko ang mga bagay na aking pinasasalamatan oras-oras. Mga bagay na karaniwang isinasantabi ko lamang dahil sa udyok ng sanlibutang aking kinalakihan.

after long years.


Sa wakas! BLOG kung BLOG! :D namiss ko to, ang magsalita ng walang nakikinig, nakikialam, at pumapansin. Walang may alam e. XD  walang boses, walang tunog, walang tono.  Salita lang gamit ang keyboard. Ano ba ik-kwento ko?.. hmmmm…… wala, wala, wala. Wala kong ik-kwento. Tulad ng dati, boring pa rin ang buhay ko, boring pa rin ako. At napansin ko lang ah, bumagal ang pagta-type ko ngayon sa keyboard, nakakabadtrip, bakit di ko na alam ang home keys?.... O____O hic!...  Siguro dahil 6months din akong walang practice. Walang thesis, docu, ragnarok, dota, blog, at kung anu-anong kaek-ek-an. gamit ang kanang hintuturo, at dalawang daliri sa kaliwang kamay, makabuo kaya ko ng makabuluhang kwento ngayong gabi?... bukod sa wala akong inspirasyon e katatapos lang ng midterm namin sa webdev na di ko naman nasagutan, sisipagin kaya akong magbahagi ng kahit ano ngayon?.. yung tinatawag na, worth your time… J ah! Di ko alam ang sagot. Bahala na. basahin mo kung gusto mo, dahil isang malaking kulay gray na malakas na hangin ang nagdala sayo dito, at isang malakas, malaki, at matibay na himala ang nakapag-pabasa sayo nito ngayon (at patuloy ko pa ring tina-type, na ngayo’y binabasa mo naman), siguro nga, babasahin mo to hanggang kung  kelan mo gustuhin. (ihinto mo na yan! Dahil di naman kita kilala, di ako yung idol mo)… XD

Dahil makulit ka, BLEH!!! :P.. Simulan natin sa isang masayang buhay, na di ko tinataglay…………. XD XD XD…… rhyme e! hehe.. ah hindi, sa isang simpleng pangarap nalang nga……ammm…  wala pa rin ako nun e. :D haha…. Sige, wag na simple, magulo nalang (swak!)… simulan natin sa (puros simula, walang wakas)…… simulan natin sa……….. hmm… sayo!.. ikaw, oo ikaw nga (sabi sa slogan—buwan ng wika sa school--: ikaw, oo ikaw nga!) LOL. Nakakatawa talaga, gasgas na yung paraan nila ng pagaanyaya, pero kahit ganun, taon2x pa rin ganun yung way nila,, :D (tama na ang segwey, puno na ng open and close parenthesis ang usapang ito)…… ikaw! Oo ikaw nga, wala ng iba. Sayo ko sisimulan ang kwento, tapusin mo! :D para di ako mahirapan, ikaw nalang ang gumawa! After mo gawin, i-send mo saken via email(kung gusto mong i-text ok lang), sa mmk_channel2@lokoloko.com :D haha…  at ikaw mismo, makaka-relate. XD XD XD….. ano bet?.. hehe…. Kalokohan. Dami kong kalokohan…… kaya wala kong natatapos e. sige, goodnight. J ayaw ko na pala mag-kwento, inaantok na ko. Sweetdreams. Freak! --kyeon

Monday, August 2, 2010

bday wish..

20 na ko tomorrow. ala ko bday wish. siguro simpleng greetings lang from my family will do. sana nga di maalala ng mga friends ko,, baka kasi magpalibre sila. hehehe. 20years, madami na kong nagawa, pero madami pa kong gustong gawin. siguro ako naman, ako naman ang may dapat gawin, ang dapat magbigay. ^_^ kasi i believe im blessed. enough to share it.



 ginawa ko ata tong account na to for some reason, reason that i no longer remember. hmm. it has been 6months since i last posted something here, 6months din kasing nawala saken laptop ko. :) "nawala"----- sa ibang paraan.

yes. alam ko na. for love. kaya ako nagblog.
but now im single. dorky pero ok. masaya. now i realized 1 is not a lonely number. it actually means being independent. chos. basta. masaya kasi ala ko nasasaktan, di ako nasasaktan (?).. saken ang sken, i can be selfish anytime, sa oras, sa effort, sa panahon, sa sarili, anything. pwede ko maging conceited without considering anyone's feeling (in terms of love huh)... i can say what i want whenever, whatever, however i say it. walang maaapektuhan. :) masaya.. siguro masaya. sana sila din masaya na. ^___^ natatakot nga kong kausapin sila, baka marealize ko, di pa pala ready puso ko sa ganitong setup. hehehe. kaya mas ok na tong di ko alam kung anung pananaw ko sa kanila para tahimik.

the next time na magpo-post ako ng kahit dito, I'll make sure kwentong makabuluhan naman. for now, eto muna. :)) goodluck! <3